^

Pang Movies

Geoff wala nang planong mag-asawa?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kinilig si Rep. Lucy Torres-Gomez nang muli siyang mag-guest judge sa Celebrity Showdown ng Marian last Saturday dahil sa new loveteam na nag-perform sa dance show, sina Ruru Madrid at Gabrielle (Gabbi) Gar­cia. Ayon sa kanya, pinaka-cute daw na pair na nakita niya ang dalawa at feel na feel niya ang message na gustong iparating ng dance nila sa audience. Ganoon din ang feeling ng ilang entertainment press na bumisita sa set ng bagong weekly series ng GMA 7, ang Seasons of Love (SOL) na magpi-feature ng four stories sa loob ng isang buwan.

Sa Monday na, October 6 ang pilot episode nina Ruru at Gabbi, ang Soulmate, Soulhate, na mapapanood bago ang 24 Oras. Malayang mag-express ang dalawa ng mga gusto at ayaw nila sa isa’t isa. Si Gabbi niregaluhan ni Ruru ng neck pillow na gamit nito kung nagpapahinga sa set. A portable small dining table ang give ni Gabbi kay Ruru na gamit naman nito tuwing kakain sa set.

Si Ms. Gina Alajar ang director ng Soulmate, Soulhate kaya natanong siya kung ano ang meron siya at lahat ng mga nagsisimulang artista ay siya ang pinahahawak? 

Siguro raw dahil tumatak na rin sa GMA na siya ang nagdirek ng unang youth-oriented drama series na Tween Hearts na umabot ng 87 episodes (every Sunday afternoon) at lumabas dito ang acting ta­lents nina Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, Jake Vargas, at iba pang member ng cast. Siya rin ang nagdirek ng Villa Quintana nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na pinakama­tagal na series na napanood sa afternoon prime. One episode lamang itong kina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, pero nakita niyang parehong may talent ang dalawa bukod pa sa may chemistry sila. Ang latest assignment niya ay ang remake ng Yagit na magtatampok sa limang new child stars ng GMA 7.

Biniro si Direk Gina kung pinanood ba niya ang anak na si Geoff Eigenmann na rumampa sa Cosmo Bash last September 24. Gusto raw niya pero hindi siya pinayagan ni Geoff.  Kumusta naman ang lovelife ni Geoff, may bago na ba itong girlfriend? Birong sagot ni Direk Gina, “wala, tatanda na siyang binata, he will be forever na favorite uncle ng mga pamangkin niya at siya na siguro ang makakasama ko sa buhay ko.”

May sarili na kasing bahay ang anak niyang si Ryan, pero malapit lamang naman sa kanya ang bahay nito. Uuwi rito ang bunso niyang si AJ and his wife para sa church wedding nila sa November 10. Nag-civil wedding na sila sa Las Vegas last year.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

CELEBRITY SHOWDOWN

COSMO BASH

DIREK GINA

GABBI

RURU MADRID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with