^

Pang Movies

GF ng Brazilian actor na si Fabio Ide nagsinungaling dahil sa selos sa anak ni Melissa Mendez?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matagal ang pagsasama namin ni Fabio Ide sa Tweetbiz na napapanood noon sa QTV bago ito naging GMA News TV.

Mabait at magalang na bata si Fabio. May respeto siya sa mga matatanda at sa mga babae kaya hindi ako naniniwala sa claim ng kanyang girlfriend na si Michelle Pamintuan na nagsalita si Fabio na ipinalaglag na lang sana noon ang anak niya kay Denisse Oca, ang anak ni Melissa Mendez.

Nakumpirma na anak ni Fabio ang apo ni Melissa dahil sa DNA test at umapir din siya sa dedication sa bagets noong Linggo.

God-fearing ang pagkakakilala ko kay Fabio kaya never na sasabihin nito na ipa-abort ang anak nila ni Denisse na bunga ng casual encounter.

Tama naman ang suspetsa ko dahil nanggaling kay Fabio ang paglilinaw na umamin ang kanyang girlfriend na gawa-gawa lamang nito ang mga masasakit na mensahe na ipinadala kahapon sa anak ni Melissa.

Humanga ako kay Fabio dahil nanindigan ito na hindi niya tatalikuran ang mga responsibilidad bilang ama ng bata.

Maliban sa selos, walang akong ibang maisip na dahilan para maimbyerna kay Melissa at sa anak nito ang girlfriend ni Fabio.

Nabasa ko ang mga message ni Michelle kay Denisse at nakakaloka naman talaga ang kanyang mga pinagsasasabi.

Hindi natin masisisi ang mag-inang Melissa at Denisse kung sagutin nila ang mga hindi makatao na pagtataray sa kanila ng girlfriend ni Fabio.

Mabuti na lang, malawak ang pag-iisip at may paninindigan si Fabio. Alam niya ang tama sa mali at hindi siya nasusulsulan ng ibang tao, kesehodang karelasyon niya at malalim ang kanilang pinagsamahan.

Nakakabilib din si Denisse sa proteksyon at pagmamahal na ibinibigay nito sa anak na walang kamalay-malay na nagkakagulo ang mga tao sa kanyang paligid.

Nag-try ang mga reporter na mainterbyu kahapon si Melissa Mendez tungkol sa isyu na kinasasangkutan niya at ng kanyang anak.

Nabigo ang media dahil nagpunta si Melissa sa Vigan, Ilocos Sur dahil may taping siya para sa Seasons of Love ng GMA 7.

Kasama ni Melissa sa Vigan sina Geoff Eigenmann at Louise delos Reyes sa episode ng Seasons of Love na mapapanood sa second week nito.

Sa totoo lang, kung hindi naging bayo­lente ang reaksyon ng girlfriend ni Fabio, walang isyu na pagpipistahan ang mga intrigero at intri­gera. Hindi magiging wanted ng media si Melissa. Hindi maglalabas ng lengthy official statement si Fabio.

Walang masama nang ilagay ni Melissa sa social media ang mga litrato ng dedication sa kanyang apo. Eh totoo naman na si Fabio ang ama ng bagets, anong problema doon?  Nag-over react lang talaga ang tila so possessive na girlfriend ni Fabio.

Exec itinangging magkakaroon ng pagbabago sa Kapuso Network

Pinabulaanan ng isang executive ng GMA 7 ang balita na magkakaroon ng pagbabago or changing of the guards sa Kapuso Network management.

Walang papalitan at walang magbabago ang sey ng TV exe­cutive na hindi na nagugulat sa mga lumilitaw na isyu. Napapa-smile na lang ang TV executive dahil paulit-ulit at walang bago sa mga network issue na itinatanong at ipinapasagot sa kanya.

vuukle comment

ANAK

DENISSE

FABIO

KAPUSO NETWORK

MELISSA

MELISSA MENDEZ

SEASONS OF LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with