^

Pang Movies

Sharon at Aga kailangan ng ‘pasabog’ na serye!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aywan naman kung bakit nadamay pati na ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ang actor na si Aga Muhlach doon sa isang tungayawan sa Internet na ang pinag-uusapan ay mga artistang laos na. Mukha namang napaka-unfair doon sa dalawa na isali sila sa ganoong usapan.

Siguro nga tama, na halos pareho silang nagkamali ng diskarte sa kanilang career, or sabihin nating nagkaroon ng kaunting problema. Si Sharon, hindi naman niya ikinakaila na medyo napabayaan niya ang kanyang sarili at bumigat ang kanyang timbang. Si Aga naman kasi, pumasok pa sa pulitika. Iyan ay kabilang sa mga nagawa nila na napakapagpabagal sa kanilang career, pero hindi pa natin alam kung makakabalik sila sa dati nilang status bilang mga artista. Alalahanin ninyo, hindi naman biru-biro ang talents ng mga artistang iyan, at posibleng mailagay lamang nila ulit sa ayos ang takbo ng kanilang career, makakabawi sila.

Isang magandang example si Maricel Soriano na matagal din namang nabakante. Parang pareho rin naman ang naging pagkakamali ng dalawa sa pagkakamali rin ni Maricel noon. Pero dahil talagang magaling, isang teleserye lang ang ginawa at nakabalik na ang kanyang popularidad. Kailangan lang tamang project eh. Isinama rin si Maricel sa isang pelikula, napakahusay ng kanyang performance at nanalo pa nga siya ng award, pero sablay naman iyon sa market niya kaya hindi masyadong napansin. Noong pagawin siya ng GMA 7 ng isang tamang project, hayan si Maricel at big star na ulit.

Palagay namin, ganyan ang kailangan nina Aga at Sharon. Isang matinding project na tatama naman sa kanyang market.

Derek kinawawa ng Star Cinema?

Parang hindi naman kami makapaniwala sa isyung inalis sa poster ng isang pelikulang ginawa niya ang pangalan ni Derek Ramsay. Kung ginawa nga nila ang ganoon, bakit hindi na lang nila nire-edit at inalis na rin ang lahat ng mga eksena niya, kahit na napanood na ng mga tao ang The Janitor sa isang indie film festival.

Aywan kung bakit ganun na lang ang galit nila kay Derek kung totoong tinanggal ng Star Cinema ang pangalan niya ha.

Pero hindi ba parang masyado namang naaapi si Derek. Alam naman natin na marami siyang problemang nasuotan sa ngayon. Alam naman natin na hindi biru-birong problema iyon. Kailangan pa bang sabayan iyon ng isang malupit na treatment?

Ano nga kaya ang problema niya sa ABS-CBN at damay pati Star Cinema, ang film arm ng Dos.

Sana ay hindi totoo ang isyung ‘yan. Nakakaawa naman si Derek pag nagkataon.

vuukle comment

ALAM

DEREK

DEREK RAMSAY

ISANG

KAILANGAN

MARICEL

MARICEL SORIANO

NAMAN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with