^

Pang Movies

Hunk na walang masyadong trabaho, hawak ng isang maimpluwensiyang showbiz personality

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na may nakakita raw sa jobless hunk na ito sa isang private beach resort kasama ang isang maimpluwensyang celebrity sa showbiz.

Ayon sa aming source ay nakita raw niyang very sweet ang dalawa at walang nakakaistorbo sa kanila dahil inarkila raw ng naturang celebrity ang buong resort para lang sa kanila ng male hunk.

Bago ka makarating sa naturang private beach resort ay susunduin ka raw ng golf cart mula sa parking area ng resort. Unang dumating daw sa resort ang celebrity at sumunod daw ang male hunk pagkatapos ng isang oras.

“May mga kasama naman sila. Si celebrity, kasama ang dalawang kaibigan niya. Si male hunk naman ay driver lang ang kasama niya.

“Imposible kasing hindi namin sila makilala dahil ilan lang silang nasa resort dahil inarkila ng celebrity ang resort para sa weekend na iyon.

“Kahit na sa magkaibang suites sila, alam mong may nagaganap sa kanilang dalawa,” chika pa ng aming source.

Noon pa raw nabalitang sikretong nakikipagtagpo ang male hunk sa celebrity na ito. Binu-booking siya ng kaibigan ni celebrity sa male hunk kapag nanga­ngailangan ito ng malaking halaga dahil marami raw itong bayarin.

“Kailangan nga niya ang celebrity ngayon kasi wala siyang trabaho, ‘di ba? Balita ko na hindi pa pala bayad ng buo ang nabili niyang bahay. Kaya balik-booking na naman pala siya.

“Hindi naman na ako magugulat kasi sanay naman si male hunk sa ganyan. Bago pa ‘yan nag-artista, nabu-booking na raw ‘yan sa probinsya nila.

“Bumalik lang siya sa dating ginagawa niya. ‘Yun lang mas mataas na ang presyo niya at nakaka-demand siya ng rate dahil super-performance naman daw ang ibinibigay niya parati,” pagtatapos ng aming source.

Binuko ni Lotlot Elmo babad sa bahay nina Janine

Hangad ni Lotlot de Leon na maging masaya sa kanyang lovelife ang kanyang anak na si Janine Gutierrez.

Inamin ng aktres na dumadalaw naman daw ang nababalitang boyfriend ni Janine na si Elmo Magalona sa kanilang bahay. Madalas silang lumabas at wala namang pagtanggi si Lotlot sa mga nangyayaring ito.

“Janine is old enough to have a lovelife. Ayokong makialam kasi nasa tamang edad na siya. Nakikita ko naman na masaya sila. Kaya sana masaya rin ang mga tao na nasa paligid nila,” diin ni Lotlot.

Nalulungkot lang siya dahil nagiging biktima ng mga bashers at haters on social media si Janine.

“Aware naman ang anak ko sa mga ganyan. Kaya she wants to stay at home as much as possible. Minsan, nasa bahay lang sila ni Elmo. At least, safe sila in the privacy of our home,” diin pa ni Lotlot.

Busy muli si Lotlot sa TV dahil gumaganap siyang ina ni Kris Bernal sa GMA primetime series na Hiram na Alaala.

Jennifer Lawrence sa ex ng BF na si Gwyneth Paltrow ang iniyakan sa mga hubad niyang pictures na kumalat

Kumalat na sa online ang mga hubad na larawan ng Oscar-winner na si Jennifer Lawrence.

Isa si Jennifer sa naging biktima ng hackers na ang puntirya ay ang manakaw ang mga nude selfies nila sa kanilang mga smart phones.

Naka-post ang higit na 55 X-rated images ni Jennifer sa websites na 4Chan at Reddit.

Kabilang din sa nabiktima ng hackers ay ang supermodel na si Cara Delevingne at ang aktres na si Anna Kedrick.

Noong nabalitang kalat na ang mga nude photos ni Jennifer, ang iniyakan daw niya ay si Gwyneth Paltrow, ang estranged wife ng nababalitang boyfriend niya ngayon na si Chris Martin.

“Gwyn’s been there and done that, and knows how to deal with the pressures of fame,” sey pa ng Daily Mail.

Tina-target daw ngayon  ng mga hackers ay sina Vanessa Hudgens, Kim Kardashian, Rihanna, at ang fiancée ni Johnny Depp na si Amber Heard.

vuukle comment

CELEBRITY

GWYNETH PALTROW

JANINE

JENNIFER

JENNIFER LAWRENCE

KAYA

LOTLOT

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with