^

Pang Movies

Nadine may alam sa relasyon nina Andi at James?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi apektado si Nadine Lustre sa pagkaka-link ng ka-loveteam niyang si James Reid at ni Andi Eigenmann dahil ever since raw ay alam niya kung ano ang totoo.

Alam niya na ang friend ni James na si Bret Jackson ang talagang nanliligaw kay Andi at hindi ang kanyang leading man.

“Kasi, si Bret po, friend ko rin siya, so nakikita ko rin minsan,” say ni Nadine.

Through James ay naging friend na rin daw niya si Bret at nakasama rin nila sa pelikulang Talk Back and You’re Dead.

Samantala, sobrang happy ng JaDine loveteam sa success ng pilot episode ng first project nila sa ABS-CBN na Wansapanataym Presents My App Boyfie na nag-pilot episode last Saturday.

Nag-trending talaga ito nang husto at say ni Nadine, hindi raw nila ito in-expect kaya nagpapasalamat sila sa lahat ng nanood.

ABS-CBN nahihirapang hanapan ng kapalit ang Be Careful...

Pagkatapos ng Be Careful with My Heart, gusto ni Richard Yap na gumawa naman ng ibang role para naman daw hindi siya ma-stuck-up sa mga roles na tulad ng ginagampanan niya sa serye.

“Pwede ring may konting action, may konting comedy, or something. Parang something like that,” pahayag ni Ser Chief.

Okay ba siya sa kontrabida roles?

“Okay lang din. Why not? Basta it’s a good role.”

At lalong wala raw problema kahit sino ang makatambal niya or maging leading lady dahil hindi naman daw siya mapili pagdating sa mga makakasama sa trabaho.

Aminado naman si Richard na maraming naibigay na magagandang bagay sa kanya ang BCWMH sa loob ng dalawang taong mahigit na pagsasasere nito. “Mas dumami ‘yung workload ko, dumami rin siyempre ang exposure ko sa lahat ng viewers, sa mga endorsements, it opened up doors also to my singing career. So, marami talagang nagbago sa akin.

“I don’t have as much as privacy than I had before pero I think it’s all good, it’s all positive naman,” say ng aktor.

Ano naman ang masasabi niya sa tsikang sa taas ng ratings ng serye nila ay nahihirapan daw ang management na maghanap ng ipapalit?

“Well, I think, kahit naman kami ulit ang ipapalit dito sa slot na ito, we’re not sure kung ganito pa rin ang ano, so I think everybody just has to do their best and nasa story din yan, eh, nasa actors, kung matatanggap ng tao nang maganda, I think they have a winning formula.

“Pero right now, hindi natin masasabi kung sino dapat ang papalit or kung sino dapat ang maging actors,” he said.

Coleen sumikat kay Billy, nabiktima na rin ng hackers

Biktima na rin si Coleen Garcia ng fake sex video sa Internet na kapag binuksan mo ang link ay spam naman pala. Maraming ganitong klase ng panloloko sa net na gagamitin ang pangalan ng mga sikat na artista at ina-advertise na may sex video raw pero wala naman.

Say ni Coleen, dinedma na lang daw niya ito at hindi na siya nagpaapekto pa.  “That came out in the height of everything that was happening to Billy (Crawford) so dinedma ko na lang siya because there were so many other things that I needed to worry about and there were so many other things that I needed to fix.

“Alam ko naman na hindi totoo ‘yun so when I heard about it, I really just heard about it. I didn’t click any links or anything. Sinabi ko na that’s impossible so I brushed it aside na kaagad,” say ni Coleen sa kanyang interview sa The Buzz.

Actually, wala naman daw nakakakita pa ng nasabing sex video na ‘yun dahil nga wala naman talaga in the first place. Kumakalat daw pero wala namang nakakapanood pa.

Well, ibig lang sabihin niyan ay sumisikat na nga si Coleen dahil hindi naman siya pag-aaksayahan ng panahong gamitin ng mga ha­ck­ers at manloloko kung wala siyang name.

vuukle comment

ALAM

ANDI EIGENMANN

BE CAREFUL

BRET JACKSON

COLEEN

COLEEN GARCIA

NAMAN

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with