^

Pang Movies

Dating female celeb na paborito ng network, banned na kahit mag-guest lang!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Problemado raw ngayon ang isang female celebrity dahil ilang buwan na raw siyang jobless pagkatapos na hindi mag-rate ang huli niyang pinagbidahan na teleserye.

Wala na itong kontrata sa dating nagma-manage sa kanya at hindi na nga siya ni-renew. Kaya walang nag-aasikaso sa kanya ngayon para hanapan siya ng trabaho.

Kailan lang daw ay may tinawagan si female celebrity na talent coordinator sa isang TV network at nagtatanong kung puwede itong mag-guest sa mga shows na hawak nito.

Ang problema raw ay naglabas ng memo ang naturang network at isa ang name ng female celebrity na hindi puwedeng i-line up na guest sa anumang shows.

Kung noon ay parang naging paborito siya ng network, ngayon ay tila blacklisted na siya.

“Kasi may ginawa yata ang babaeng ‘yan kaya imbiyerna sa kanya ang mga bossing. Ayun banned siya na maging guest sa kahit na anong show,” sey pa ng nakausap naming talent coordinator.

Marami pa naman daw bayarin ang female celebrity, lalo na sa bahay na kanyang binili na hindi pa niya nababayaran ng buo.

Nagbenta na raw siya ng isang sasakyan niya para makabawas sa ilang pinagkakautangan niya.

Young actor bihasa na,  mga mata ang ginagamit sa pag-arte

Sa edad na 15, bida na agad ang young actor at alaga ni Manny Valera na si Kokoy De Santos sa indie film na Tumbang Preso.

Ayon sa director nitong si Kip Oebanda, dumaan sa mahabaang audition si Kokoy bago niya nakuha ang lead role sa naturang indie film na tungkol sa human trafficking at pag-abuso sa mga kabataan ng isang sardines manufacturing company.

Ang mga mata raw ni Kokoy ang naging basehan ni Direk Kip dahil malawak daw na mga emosyon ang naipapahiwatig nito kahit hindi ito nagsasalita.

“Yun mga mata ko nga raw po ang nagustuhan niya. Kahit hindi raw ako nagsasalita, nai-express ko raw ‘yung lungkot, takot, at saya sa mga mata ko. Marami nga akong close-up sa movie at kailangan nga po expressive ‘yung mga mata ko. Nakuha ko naman po ang gusto ni Direk Kip,” sey pa ni Kokoy.

Bihasa na sa aktingan si Kokoy dahil bata pa lang ito ay sumabak na ito sa mga TV commercials at marami na itong nagawang mga pelikula at teleserye.

Lumabas na siya sa mga pelikulang Emir, Babaeng Sentensyada, Mga Mumunting Lihim, at Bromance. Katatapos lang niyang i-shoot ang pang-Metro Manila Film Festival entry na Kid Kulafu na dinirek ni Paul Soriano.

Sa TV ay lumabas na siya sa Maalaala Mo Kaya, Pepito Manaloto, Jollitown, Star Confessions, Futbolilits, Makapiling Kang Muli, Diosa, Ariana, Aso Ni San Roque, Pidol’s Wonderland, Kidlat, at My Husband’s Lover.

Kasalukuyang nasa first year college na si Kokoy sa International School for Hotel and Restaurant Management (ISHRM) sa Bacoor, Cavite.

Wish nga ni Kokoy na mapansin ang kanilang indie film na Tumbang Preso sa mga international film festivals dahil sa magandang mensahe nito ukol sa human rights ng mga bata, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sakay ng mga water taxi George at Amal napalibutan ng mga paparazzi nu’ng kasal sa Grand Canal of Venice

Ikinasal na noong nakaraang Sabado (September 27) ang award-winning Hollywood actor-producer at sought-after bachelor na si George Clooney sa kanyang lawyer fiancée na si Amal Alamuddin sa Venice, Italy at dinaluhan nga ito ng Hollywood A-listers at iba pang high profile guests.

“George Clooney and Amal Alamuddin were married today in a private ceremony in Venice, Italy,” sey pa ng spokesman ni Clooney na si Stan Rosenfield noong Saturday.

Dapat ay Monday ang kanilang kasal pero pinaaga na nga nila ang kanilang pag-iisang dibdib.

Naganap nga ang wedding party sa Grand Canal of Venice with more than 20 paparazzis na sakay ng mga water taxis.

Kabilang sa mga guest sa wedding ay mga best friends ni Clooney na sina Matt Damon, Bono, Ellen Barkin, Cindy Crawford, at ang mister nitong si Rande Gerber.

Ang reception ay ginanap sa Da Ivo in Saint Mark’s Square kunsaan mga Tuscan and Venetian delicacies ang hinanda sa mga bisita ng newly-weds.

Nagpadala si Clooney ng 100 cases of his own tequila label at iyon ang kanyang pinainom sa kanyang mga wedding guests.

Nag-perform sa kanilang reception ang singer na si Lana del Ray at ni-request pa nga ni Clooney na awitin nito ang song na When I Fall in Love na bagay sa kanila ng kanyang bride.

Ang inarkilahan naman niyang string orchestra and jazz trio ay nag-perform ng awiting Smoke Gets in Your Eyes.

vuukle comment

AMAL ALAMUDDIN

CLOONEY

DIREK KIP

GRAND CANAL OF VENICE

KOKOY

SIYA

TUMBANG PRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with