^

Pang Movies

Malakas lang daw ang backer, young actor na ibini-build up ng isang network, waley na waley sa tipo ang sisikat!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtataka ang ilang taga-showbiz kung bakit pilit na bini-build up ng isang network ang isang young actor, eh wala naman daw sa tipo niya ang sisikat.

Ilang beses nang binig­yan ng break ang young actor pero waley pa ring dating, huh! Totoo na nga yata ang hinala ng ilan na malakas ang backer ng young actor sa higher ups ng istasyon.

Kasi naman, hindi na nga nawawalan ng project, nagbibida pa siya sa serye, huh!

Naaawa tuloy sila sa ibang aktor na artistahin ang dating and yet, pinababayaan ng network. Pero ang young actor, super havey talaga kahit waley namang promise, huh!

 

Ruffa at Raymond nagmarka sa Formula 1 sa Singapore

Hindi talaga nagpataob ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez sa international celebrities na dumalo sa Formula 1 race sa Singapore last weekend.

Naatasan sina Ruffa at Raymond na mag-interview ng mga celebrities sa red carpet ng nasabing pabulosong event. Proud na proud ang magkapatid sa mga pictures na inilagay nila sa kanilang Instagram account dahil nagmarka talaga sa mga foreigners ang presence nila sa event na ‘yon.

Mapapanood sa E! channel ang nangyari kina Rufing at Mond. Next week naman, mapapanood na ang pamilya Gutierrez sa bagong season ng reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez!

Sa darating na episodes, walang pakialam si Rufing kung magalit man ang ina na si Annabelle Rama kung ilantad na niya sa program ang bago niyang boyfriend, huh!

 

Bilang bahagi ng birthday ni Bong, Cong. Lani nagpa-blood letting sa Crame

Sa Huwebes, Setyembre 25, ang birthday ni Senator Bong Revilla, Jr. Ito na marahil ang unforgettable birthday niya dahil nga nasa loob siya ng detention center sa Crame unlike dati na meron naghahanda siya para sa pamilya, kaibigan at supporters.

May lungkot man kay Sen. Bong, hindi pa rin mawala sa kanya ang kasiyahan dahil marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Napalapit din siya lalo sa Diyos na sandigan niya upang maging matatag sa bawat araw na dumaraan.

Pero bilang bahagi ng kanyang birthday, nagkaroon ng blood letting sa Crame nitong nakaraang araw. Pinamahalaan ito ng asawa niyang si Congressman Lani Mercado-Revilla at naging ma­tagumpay ‘yon.

Advance, happy birthday, Sen. Bong!

 

Tsinugi pa sa movie, Aktor kinawawa ng ex ng kapatid

Nagkaroon pala ng isyu sa isang movie na ginagawa ngayon. Kumpirmado itong inalok sa isang aktor dahil nung time na i-offer ito may relasyon ang kapatid ng aktor sa isa sa investors ng movie.

Eh, umasim ang relasyon ng kapatid ng actor sa investor kaya naman nabulilyaso ang project. Hindi na kinuha ang unang aktor na nakausap.

Pero hindi na-shelved ang project. Itinuloy pa rin ang paggawa ng movie. Pero ibang aktor na ang bida.

Ang narinig naming dahilan, gustong pasakitan ng investor ang kapatid ng aktor. Mukhang malalim daw ang sanhi ng hiwalayan ng dalawa, huh!

 

vuukle comment

AKTOR

ANNABELLE RAMA

CENTER

CONGRESSMAN LANI MERCADO-REVILLA

CRAME

IT TAKES GUTZ

PERO

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with