^

Pang Movies

Buko na kung sino lang ang mga totoo, Daniel nagpapasalamat sa Diyos na trinaydor ng kaibigan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagbigay na ng side si Daniel Padilla tungkol sa kontrobersal na audio clip niya na talaga namang pinag-usapan at naging trending topic sa social media nitong mga nakaraang araw.

Inere ang panayam ng Teen King sa Aquino & Abunda Tonight last Monday.

 “Magaling sila, magaling sila sa round na ‘to. Pero babawi tayo sa se­cond round,” ang simula ng young actor.

Pero say niya, thankful na rin siya kay Lord na binigyan siya ng ganitong problema dahil sa mga pagkakamaling ito siya natututo.

Inamin din ng Teen King na kilala niya kung sino ang nagkalat ng recor­ding at friend pa niya.

Dahil nga rin daw sa problemang ito ay nakita niya kung sino ang mga totoong tao na sumusuporta sa kanya, kaya nagpapasalamat siya sa mga ito.

Kasabay nito ay nakiusap din si Daniel na huwag nang isangkot o idamay pa ang ibang tao.

Ayon pa kay Daniel ay nai-explain na raw niya ang lahat kay Kathryn Bernardo at pinatawad naman daw siya agad ng ka-love team at rumored girlfriend.

 “Nalungkot din si Kathryn dahil misunderstan­ding, eh. In-explain ko na lahat, naintindihan niya naman at ‘yung yakap na ‘yun (sa Naked Truth) ay talagang pagpapasalamat na pinatawad niya ako,” say ni Daniel.

Say pa niya, ngayon lang daw naman siya nagkamali at lalaki naman daw siya.

Anyway, dahil sa isyung ito, muling napatunayan kung gaano kalakas ang Kathniel love team dahil nagkagulo talaga ang kanilang fans at animo may delubyong nagaganap.

Jasmine ayaw mag-assume na type siya ni Daniel

Nagsalita na rin si Jasmine tungkol sa controversy at inamin naman ng Kapatid talent na talagang magka-text sila ni Daniel.

Ayon kay Jasmine, tinext daw siya ni Daniel at nagtatanong sa kalagayan ng kanyang ama na na-hospitalize. Basta ang conversation lang daw nila ay puro tungkol sa kanyang amang may sakit.

 “I thought nothing else of it, nothing else was meant from the text aside from concern because they saw how fragile I was regarding my Dad and his health,” paliwanag ni Jasmine na inere naman sa TV Patrol.

Narinig daw niya ang audio clip na kumalat at hindi naman daw siya nag-assume na siya ‘yung girl na tinutukoy sa usapan.

“Well, when I heard the audio, I didn’t assume it was me. I didn’t hear it properly, it was very muffled. So ano na lang…parang, okay, people are thinking it’s me, sige, kayo na lang ang bahala kasi ayoko rin naman mag-assume bilang I saw everything as friendship lang naman ang na-insinuate ko,” say pa ng nakababatang ka­patid ni Anne Curtis.

Dahil dito ay katakut-takot na pangba-bash ang inabot ni Jasmine pero ayon sa young actress, wala raw siyang plano na pumasok o manggulo sa Kathniel loveteam.

“I don’t want to interfere with his relationship with Kathryn, and I don’t want to be labelled as anything else but a friend to both of them,” say pa ni Jasmine.

Pero marami man ang humusga agad sa kanya, marami pa rin naman daw ang nagtanggol sa kanya at naniniwalang wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

In fairness to Jasmine, wala naman siya talagang pagkakamali sa isyung ito dahil base sa mga statements niya, wala namang malisya sa kanya ang palitan nila ng text ni Daniel.

Now, kung si Daniel ay kinilig sa kanya, hindi na nga naman niya kasalanan ‘yun.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANNE CURTIS

DANIEL

DAW

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

TEEN KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with