^

Pang Movies

Pepito Manaloto mapagbigay na milyonaryo ngayong Sabado

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ngayong Sabado (Setyembre 27), maghahatid ng kasiyahan si Pepito Manaloto (Michael V.) sa mga Kapuso viewers dahil ibabahagi niya ang kabutihan ng kanyang puso sa pamamagitan ng pamimigay ng kanyang mga mahahalagang gamit.

Nang malaman ng asawa ni Pepito na si Elsa (Manilyn Reynes) na marami palang mga ga­mit si Pepito na nakatago lamang sa kanilang bahay, maiisip niyang magsagawa ng isang garage sale para kumita na rin sila ng pera. Pero hindi sumasang-ayon si Pepito sa plano ni Elsa dahil mas gusto niyang ipamigay na lamang ang mga gamit na ito sa kanilang mga kapitbahay at kaibigan.

Riot sa katatawanan ang inaasahang magiging isang mapayapang pamamahagi ng mga gamit dahil magdudulot pala ito ng matinding pag-aagawan ng mga kapitbahay sa mga gamit sa mansyon ni Pepito.

Makisaya at makigulo sa pamilyang milyonaryo ngayong Sabado sa top-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA 7.

vuukle comment

ANG TUNAY

ELSA

KAPUSO

MANILYN REYNES

MICHAEL V

NGAYONG SABADO

ORAS WEEKEND

PEPITO

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with