^

Pang Movies

Sikat na young actor nambubulyaw ng crew ‘pag walang camera

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

May nakapagbulong sa akin na isang reliable source na ang iniilusyong aktor ay hindi pala maganda ang ugali sa tunay na buhay. Marami ang kinikilig sa kanyang mga kababaihan at animo’y pagkabait-bait pero hindi pala.

Ayon sa aking source nasaksihan niya ito nang minsan ay break time at nagkaroon ng pilahan para sa pagkuha ng pagkain. Kaso nagkamali ang crew ng pipilahan at dun napapila sa pagkain para sa mga artista.

Nang makita ito ng young actor ay bigla siyang napasigaw sa crew.

‘‘Hindi rito ang pila mo, dun ka pumila. Para sa mga artista ito,’’ paangil na sigaw ng aktor.

Mula nu’n ay nawala ang gana ng director sa aktor at sinabing ibang-iba pala ang ugali nito sa tunay na buhay na palangiti at parang mahiyain kapag may kamera.

Pakikipagrelasyon ni AiAi kay Gerald, mas marami ang pabor

Noong Sabado sa Celebrity Hour ay naging guests namin sina Rod Cornejo, Direk Ed Montealegre, Lance Raymundo, at ang nagback-out na Miss World candidate na si Roxanne Cabañero.

Isa sa tinalakay na paksa ay kung puwede bang magtagumpay ang isang relasyon na malaki ang agwat ng babae gaya ni AiAi delas Alas na halos 50 years old na sa 20 years old na si Gerald Sibayan, isang badminton player ng Dela Salle University at kaibigan ng anak ng aktres na si Sancho.

Nakararami ang nagkomento na sa pag-ibig, kapag tunay ay hindi mahalaga ang agwat ng edad. Mabait si AiAi at mapapamahal siya kahit sinong lalaki dahil maasikaso ito bukod pa sa mayaman. Pero hindi mapag-uusapan ang yaman sa kaso ni Gerald dahil may kaya naman sa buhay at nag-aaral nga ito sa La Salle. Maraming tinutulungan si AiAi at siguro kahit malayo ang agwat ng edad ay mabibigyan ito ng lalaking tapat na magmamahal sa kanya. Edukado naman si Gerald at alam niyang hindi pera ang habol niya sa komedyana. Puwede ring factor ang mother image na nakita niya kay AiAi.

Isa lang ang nagkomento na mahirap pa rin kapag matanda ang makarelasyon at nakakadismaya kung paggising sa umaga ay unang bubungad sa lalaki ang mukha ng kasiping na puro kulubot at peleges ang mukha. Pero sabi nga ng prodyuser na si Danny Atienza, na mahalaga ang pag-ibig kesehodang matanda ang babae. Ang mahalaga ay companionship at nakakatiyak ang lalaki na ang kasama niyang karelasyon ay ‘di siya pababayaan.

Umaasa nga ang lahat na sana’y natagpuan na ni AiAi this time ang tunay na kaligayahan hindi for lust, kundi for love na.

vuukle comment

CELEBRITY HOUR

DANNY ATIENZA

DELA SALLE UNIVERSITY

DIREK ED MONTEALEGRE

GERALD SIBAYAN

ISA

LA SALLE

LANCE RAYMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with