^

Pang Movies

Daniel nagsalita na sa audio clip scandal!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Maikli lang ang naging mensahe ni Teen King Daniel Padilla sa mga detractors niya partikular na ang naglabas ng audio clip kung saan diumano ay boses niya ang maririnig na nakikipag-usap sa barkada tungkol sa isang babae na nag-text at nagpakilig sa kanya.

“Gusto ko lang sabihin na ituloy n’yo lang ‘yan. Galingan n’yo,” say ng Teen King nang makausap ng media sa nakaraang The Naked Truth Bench Fashion Show.

Dahil may narinig na “Sam” sa audio-video, hininalang si Jasmine Curtis-Smith ang babaeng tinutukoy ni Daniel dahil magkasama sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Ang “Sam” daw na tinutukoy ay si Sam Concepcion na boyfriend ni Jasmine.

Ngayon ay katakut-takot na pangba-bash ang nararanasan ni Jasmine sa social media mula sa mga Kathniel fanatics. One Instagram user called her a “slut” kaya mabilis namang idinepensa ng nakatatandang kapatid na si Anne Curtis.

“You know nothing sweety. My sister is not a slut… Such harsh words from someone who doesn’t know her or probably has never met her,” sagot ni Anne sa Instagram user na nag-bash kay Jasmine.

Si Sam naman ay ayaw magsalita nang mahi­ngan ng pahayag sa naturang fashion show.

Say ni Sam sa The Buzz aired last Sunday, hindi raw siya ang dapat sumagot o magsalita tungkol sa issue at okay naman daw sila ni Jasmine.

Samantala, nagbubunyi naman ang Kathniel fans sa nakitang sweetness sa kanilang mga idolo nang gabi ng fashion show at parang hindi naman naapektuhan ng intriga. Mahigpit silang nagyakap sa stage at naniniwala ang supporters ng dalawa na hindi raw ‘yun scripted.

Mike Tan may tampo rin sa mother studio

Aminado si Mike Tan na may pagkakataon din naman na nagtampo siya sa kanyang home network, ang GMA 7. Isa sa homegrown talents ng Kapuso ang aktor bilang nagsimula siya sa Starstruck. Pero marami ang nakakapansin na hindi siya masyadong napu-push kahit magaling naman siyang aktor.

Say ni Mike, hindi naman daw niya masasagot kung bakit or kung may kulang ba sa kung saan man.

“Normal po sa isang tao na nagtatampo at normal po halimbawa sa isang anak na nagtatampo ka sa nanay, parang ganu’n lang ‘yun,” he said.

So, to be clear, may tampo ba ang anak sa nanay?

“Tapos na po. Lumipas na. Kung baga ‘yung pagtatampo na ‘yun, sarili ko lang ‘yun, eh. ‘Yung may pinanghihinayangan ka lang, may gusto ka lang, siyempre, ang tao naman, laging may ibang gusto, eh,” say pa ni Mike.

Napag-uusapan naman daw nila pa­rati kung may mga problema man kaya okay na naman daw siya.

“Wala naman talagang mangyayari kung magtatampo ka. Ang magagawa mo lang para sa sarili mo, i-improve ulit ang sarili mo at continuous ‘yung pagpapakita mo sa kanila na kaya mo at deserving ka,” say pa ng aktor.

Napag-usapan nga ang ginawa ni Aljur Abrenica at ang masasabi lang ni Mike tungkol dito, “si Aljur po ay may sariling desisyon at kung anuman po ang desisyon nyang ‘yun, kailangang lagyan niya ng backbone.”

Kasama si Mike sa indie film na Bigkis with LJ Reyes under BG Productions International.

 

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG UNANG PANGULO

ANNE CURTIS

JASMINE CURTIS-SMITH

KATHNIEL

KUNG

LANG

MIKE TAN

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with