^

Pang Movies

Tom bilib na bilib kay Juday

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Unang horror movie ni Tom Rodriguez ang indie na T’yanak mula sa direksyon ni Peque Gallaga. Tapos, si Judy Ann Santos pa ang kasama niya, huh!

 “I was starstruck! Kasi siyempre, Judy Ann Santos ‘yan!” saad ni Tom sa presscon ng una rin niyang hosting, ang game show na Don’t Lose the Money na simula na ngayong umaga.

Naalala ni Tom si Juday na lumabas sa pelikulang Ula, Ang Batang Gubat. Humanga na siya sa aktres mula noon hanggang ngayon.

“Nagulat ako how down to earth she is and how approachable and grabe! Just watching her in work, I’m in awe. Acting wise and ang bait. Magaan katrabaho at napakagaling!

“Sobrang galing and I am learning just by watching and I am enjoying the experience,” pahayag pa ng lead actor sa My Destiny.

So sa game show ni Tom, umaga hanggang gabi na siya matutunghayan, huh!

Sa totoo lang, sakto ang ere ng game show niya lalo na’t pinag-uusapan ng beki at matrona ang bukol niya sa nakaraang Parada ng mga Bukol ng isang clothing company, huh!

Charice parang hindi ‘lalaki’, humagulgol nang maka-duet ang ina

On the news na naman si Charice Pempengco dahil sa pagbabati nila ng ina na si Mommy Racquel. Blood is thicker than water at sa mundong ito, you can choose your friend but not your relatives, huh!

Agad ngang sinalo ng Startalk last Saturday ang pangyayari. Ibinalita rin ni Charice ang nangyari noong binyagan at isa nga sa ninang niya ang international talk show host at dating manager na si Ophrah Winfrey.

Umiral ang katabilan ng bibig ni Manay Lolit Solis. Tinanong niya si Charice kung pera ba ang regalo sa kanya ni Oprah.  Natawa na lang si Charice at hindi nagsabi dahil baka mapagalitan siya ng kanyang Ninang. Natakot siya dahil tiyak daw na lalabas sa You Tube ang interview niya with matching subtitles at ang ending, mapapagiltan siya!

Kahapon naman sa ASAP, nag-duet ang mag-ina with matching tears sa dalawa. Naging emosyonal si Charice sa mensahe niya sa ina na parang hindi “lalaki,” huh! Ha! Ha! Ha!

Hayan, wala nang hadlang sa pakikipagrelasyon ni Charice at dalawa na sila ni Aiza Seguerra na matatag na ang lovelife, huh!

Music video ng himig handog, lamang ang pumapag-ibig

Napanood namin ang music video ng ilang entries sa Himig Handog ng ABS-CBN.  Gusto namin ang kanta ni Marion Aunor na Pumapag-ibig. Timely at upbeat ang dating kaya hindi nakakasawang pakinggan.

Sa unang Himig Handog, winner din ang puwesto si Marion sa kanyang entry. So, kapag nanalo siyang muli, hindi kataka-taka dahil very creative talaga ang utak ng anak ni Lala Aunor, huh!

This time, makalusot kayang muli ang entry ni direk Joven Tan na Pare Mahal Mo Raw Ako? Last year, siya ang grand winner dahil sa entry        niyang Anong Nangyari Sa Ating Dalawa? Hindi man magwagi, panalo naman sa puso ng grupo ng LGBT ang komposisyon niya, huh!

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANG BATANG GUBAT

ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA

CHARICE

HIMIG HANDOG

HUH

JUDY ANN SANTOS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with