^

Pang Movies

Pero nakaligtas sa mga tinamong saksak Ali naalala ang kahindik-hindik na sinapit tulad ng nangyari sa ina ni Cherry Pie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagbalik kay Ali Sotto ang alaala ng karahasan na nara­nasan noon nang mabalitaan niya ang nangyari sa ina ni Cherry Pie Picache.

Nakaligtas si Ali sa tiyak na kamatayan nang labanan niya ang lalaki na pumasok sa kanyang bahay at pinagsasaksak siya. Hindi naduwag si Ali dahil buong tapang na lumaban siya sa attacker niya na nag-iwan ng matinding trauma sa kanya.

Nabasa ko ang isinulat ni Ali tungkol sa karanasan niya at sa naganap sa nanay ni Cherry Pie na talagang nakakaalarma at nag-iwan ng takot sa marami:

“You can only imagine the sheer terror of having to grapple with a drug-crazed fiend armed with a knife and set on taking your life. I live to tell the tale because I fought with every ounce of my strength. Cherry Pie Picache’s 75-year old mother did not stand a chance.

“We live afraid. We live behind double-bolted doors and windows barred with steel grills to keep the evil out. Yet we are not safe. We live afraid. Parents light candles to keep their children safe every time they venture out. Did the prayers go unanswered when they find their daughter face-down in a shallow creek, horrendously raped and murdered?

“Burying a loved one is difficult enough. Knowing they suffered a violent death brings unspeakable grief. The cry for justice - that the perpetrators pay for the crime they’ve committed, will sadly go unheeded. Mine still roams free. And at night, I lie with these demons locked inside of me.”

Nawala ang pa-macho epek, Charice bumigay sa kantahAn nila ng ina

Mhin na mhin na ang physical appearance ni Charice pero lumitaw kahapon ang feminine side niya sa duet nila kahapon ng kanyang madir na si Raquel Pempenco sa ASAP19.

Kinanta ng mag-ina ang kanilang national anthem na Maghintay Ka Lamang at nang hingan ng mensahe sa isa’t-isa, napaiyak si Charice.

Umaasa si Charice na magiging role model ang kanyang pamilya bilang bati na sila ng nanay niya.

“Maging role model tayo sa kanila na kahit anong problema sa mundo, basta pamilya kayo, walang problemang hindi maso-solve,” ang sey ng emosyonal na singer.

Nakunan ng TV camera si Alyssa Quijano, ang girlfriend ni Charice na isa sa mga dahilan ng away noon ng mag-ina. Confirmed na look-alike ni Raquel ang kanyang hilaw na manugang kaya alam na ni Alyssa ang magi­ging hitsura nito kapag nagkaedad na siya.

Si Charice ang happiest tomboyita ngayon dahil tinanggap na ng kanyang madir ang relasyon nila ni Alyssa kaya puwedeng-puwede nang matuloy ang kanilang pinaplano na same sex marriage.

Isang segment ng The Naked Truth puro kloseta ang mhin na kasama?!

Pinag-uusapan ng grupo ng mga reporter ang isang segment ng The Naked Truth, ang maingay na fashion show ng Bench.

Ang sey ng mga reporter, pinagdududahan ang mga sexual orientation ng mga aktor na pinagsama-sama sa isang segment.

Hindi ko na sasabihin ang name ng mga aktor. Hintayin n’yo na lang ang telecast o mag-research kayo tungkol sa mga segment ng ginanap na fashion show para malaman n’yo ang kanilang mga katauhan.

vuukle comment

ALI

ALI SOTTO

ALYSSA

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

NAKED TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with