^

Pang Movies

Nakipag-usap na sa mga bossing ng GMA: AiAi masikip na raw ang daigdig ‘pag kasama si Kris, lilipat na lang sa Kapuso?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi ikinakahiya ni AiAi delas Alas na bata at twenty years old lang ang boyfriend niya sa kasalukuyan. Mabuti na raw ito kaysa may asawa’t anak ang magiging papa niya. May intrigang may pinariringgan ba siya?

Totoo kaya ang tsika na nakita si AiAi delas Alas na dumalaw sa GMA? Ibig kayang sabihin nito ay lilipat na siya ng network? Tutal may humuhulang masikip ang daigdig nilang dalawa ni Kris Aquino sa Kapamilya network. Gaano kaya ito katotoo?

Lea si Aga pa rin ang gustong makasama

Kahit matagal na sa showbiz at music industry si Gary Valenciano, napaiyak pa ito sa backstage noong tawagin ang pa­ngalan bilang Best Male Performer sa Star Awards for Music na ginanap sa Resorts World Manila kamakailan. Hindi niya akalain na for thirty years, may nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Ganun din ang naging reaksyon ni Lea Salonga.

Mula pa sa Europe si Lea at umuwi ng Pilipinas para lang tanggapin ang lifetime achievement award niya sa PMPC. Ngayon lang daw siya nakadalo sa ganitong napakasayang awarding! Nagbalik uli sa Europe si Lea pagkaraang matanggap ang award. Bongga at ginawang parang Quiapo lang ang Europe!

Kung magbabalik movie si Lea, type niyang si Aga Muhlach muli ang makapareha. Nag-hit daw kasi ang movie nila noon sa Star Cinema.

Noranians kinukuwestiyon na ginawang katatakutan ang anak nina Guy and Pip

May mga Noranian na nagtatanong, wala na bang maisip na titulo si Direk Wenn Deramas, at bakit daw pati “anak” ng paborito nilang Guy and Pip, ay ginamit sa pelikula? At kinukwestiyon din kung bakit ginawa pa itong istilong horror?

Mabuti na lang at walang komento si Guy maliban sa mga naapektuhang mga tagahanga. Saka mabuti raw kung tipong comedy ‘yung movie o musical, dahil nakaka-turn off gamitin ito sa horror. Que horror, sabi nga ng iba!

                                                                                             

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEST MALE PERFORMER

DIREK WENN DERAMAS

GARY VALENCIANO

GUY AND PIP

KRIS AQUINO

LEA SALONGA

RESORTS WORLD

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with