^

Pang Movies

Lady produ type na type si Angel

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa presscon ng BG International na pag-aari ni Mrs. Baby Go ay in-announce nito ang mga pelikulang gagawin ng kanyang kumpanya. Nauna na ang Lihis at Laureana at nakalinya na ang Homeless at Bigkis na tumatalakay sa adbokasiya ng lady produ. Ito’y nauukol sa pagtulong sa kapus-palad at ang kahalagahan ng breastfeeding sa anak.

Paborito niya si Angel Locsin at gusto niya itong gawing bida sa pelikula.

‘‘Nagkakapareho kasi kami ni Angel ng pag-uugali. Pareho kaming palaban. Paborito ko siya kahit noon pa man. Sakaling isapelikula ang tunay na buhay ko, siya ang gusto kong maging bida. Sana matuloy ito,’’ sey ng lady produ.

Si Baby ay nasa real estate business bago siya sumabak sa pagpo-produce ng pelikula. Mahilig siyang manood ng sine.

Nakaka-isang taon na sa pagpu-prodyus si Baby at tinanong siya kung ano ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang kanyang pagpu-prodyus.

‘‘Kino-consider kong fulfillment kapag gumagawa ako ng pelikula. Tamang mga tao ang nakatrabaho ko gaya nina Joel Lamangan at Mel Chonglo. Lahat ng pelikula ko ay may magandang mensahe kaya tinatangkilik ng manonood,’’ dagdag pa nito.

Maraming natutulungang maliit na manggagawa sa movie industry ang prodyuser kaya natutuwa siya at kumikita naman ang kanyang mga pelikula.

Snooky gustong pasukin ang pagpo-produce ng indie

May gagawing concert si Snooky Serna na siya ang prodyuser. Pero gusto rin niyang magprodyus ng indie movie na ang tema ay nauukol din sa mga biktima ng Yolanda. ‘‘Nagpapasalamat ako dahil hindi naman ako nawawalan ng proyekto. Isa pa, nagpapasalamat ako sa aking dalawang anak na lumaking mababait na bata. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ko sa buhay,’’ anang aktres.

Sa Homeless ay gaganap si Snooky na nanay ni Ejay Falcon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

EJAY FALCON

JOEL LAMANGAN

MEL CHONGLO

MRS. BABY GO

PABORITO

SA HOMELESS

SI BABY

SNOOKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with