^

Pang Movies

Pagpatay sa nanay ni Cherry Pie wala pang suspek!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakakagulat naman ang sumabog na balitang may pumatay sa ina ng award-winning actress na si Cherry Pie Picache.

Naganap nga raw ang naturang krimen noong kasagsagan ng Bagyong Mario noong nakaraang Friday, September 19.

Natagpuan ngang walang buhay ang ina ni Cherry Pie na si Mrs. Zenaida Sison sa tahanan nito sa Scout Lascano Street in Quezon City.

Sa ginawang imbestigasyon, nagtamo ng 18 stabs wounds ang 75-year old  mother ng aktres. Ito raw ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon pa sa report, malamang na pinagnakawan muna si Mrs. Sison bago ito pinatay.

Sa pakikipagpanayam nga sa isang kaibigan ni Cherry Pie, ang aktor na si Peter Serrano, binisita pa raw ng aktres ang kanyang ina noong nakaraang Miyerkules.

Pinaalala pa nga raw ni Cherry Pie sa kanyang ina na parating mag-lock ng bahay tuwing gabi.

As of presstime, wala pang ini-issue na statement ang pamilya ni Picache tungkol sa malungkot na pangyayaring ito sa kanilang ina.

Ang aming taus-pusong pakikiramay sa Picache family...

Valerie at Nicole parehong umaasang susundan ang yapak ni Megan

Dalawang celebrities nga ang nag-aasam na maulit ang suwerte na nakuha ni Megan Young sa Miss World Philippines.

Kabilang sa 26 candidates nga para sa Miss World Philippines ang 22-year old former Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus housemate at isa sa dabarkads ng Eat Bulaga na si Valerie Weigmann (Candidate #19).

Ipinanganak at lumaki sa Weisbaden, Germany si Valerie pero limang taon na siyang nakatira rito sa Pilipinas.

Nakilala siya sa Close-Up commercial kung saan nakasama siya ni Ian Batherson. Lumabas na rin siya sa TV series ng TV5 na Kidlat with Derek Ramsay. Nakasama rin siya sa pelikulang Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto.

Marami na nga ang nagsasabing early favorite si Valerie na manalo ng korona.

Isa pang celebrity na kasali ay si Nicole Kim Donesa (candidate #14) na isang contract artists ng GMA 7. Lumalabas na nga si Nicole sa gag show na Bubble Gang.

Sumali na rin noon sa 2013 Bb. Pilipinas si Nicole na isang Fil-American. Na­nalo siya ng special award na Miss Philippine Airlines sa Bb. Pilipinas.

Nag-back out naman ang controversial candidate na si Roxanne Cabañero sa Miss World Philippines dahil sa negative feedback na kanyang natanggap sa social media dahil sa pagkaka-involve niya sa issue ni Vhong Navarro na kinasuhan niya ng rape.

Nagdesisyon na lang daw na mag-backout ni Roxanne sa pageant at ipagpatuloy ang kanyang laban sa korte.

Magaganap nga ang coronation night ng Miss World Philippines on October 12 sa Mall of Asia Arena. Ang mananalo ay lalaban sa Miss World 2014 in London on December 14.

Umaasa ulit si Ms. Cory Quirino na mananalo ulit ang Pilipinas after na mapanalunan ni Megan Young ang Miss World crown for the very first time last year.

Sa 64-year history ng Miss World, tatlong bansa pa lang ang nakapanalo ng back-to-back win. Ito ay ang Sweden (1951 and 1952); United Kingdom (1964 and 1965); and India (1999 and 2000).

Taylor Swift best dressed of the year ng People magazine

Ang most celebrated pop-country artist na si Taylor Swift ang napili ng People Magazine as the best-dressed celebrity of the year.

Nanguna nga si Taylor sa top 10 best-dressed celebrity style icon na kinabibilangan nila Lupita Nyong’o, Jennifer Lopez, Rihanna, Emma Stone, Emma Watson, Jessica Alba, Chloe Garce Moretz, Blake Lively, Diane Kruger, at Kiernan Shipka.

Pagkaka-describe nga ng People sa style ni Taylor ay “feminine, leggy and ever-changing”.

Ang itinanghal na best-dressed last year na si Kerry Washington ay hindi nakasama sa listahan this year.

Ang best-dressed celebrity couples naman ay sina John Legend and model wife Chrissy Teigen; Blake Shelton and Miranda Lambert; and Seth Meyers and Alexi Ashe.

vuukle comment

CHERRY PIE

MEGAN YOUNG

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

PILIPINAS

TAYLOR SWIFT

VALERIE

YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with