^

Pang Movies

Death penalty dapat nang ibalik, mga halang ang kaluluwa walang awang pinatay ang 75 years old na nanay ni Cherry Pie

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masasabi na nga sigurong napakasamang mga tao naman iyong sa kasagsagan ng bagyong Mario ay nakaisip pang gumawa ng masama. Pinatay ang nanay ng aktres na si Cherry Pie Picache habang malakas na malakas ang bagyong Mario noong isang araw. Maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang matanda na kinilalang si Zenaida Sison, 75 taong gulang.

Nang tinatawagan daw ni Cherry Pie ang kanyang ina sa bahay noon sa Scout Lazcano, Quezon City ay hindi nito sinasagot ang telepono kaya nagpasya siyang puntahan iyon. Nang makapasok sila sa bahay, matapos na akyatin ng driver ni Cherry Pie ang gate ng bahay, natagpuan na lang nila ang wala nang buhay na labi ng kanyang ina.

Wala pang suspects, pero sinasabi ni Cherry Pie na limang tao lamang ang nakakapasok sa bahay na iyon, na tumutulong sa kanyang ina sa paglilinis ng bahay at bilang mga hardinero rin. Mag-isang namumuhay ang matanda sa kanyang bahay.

Sinasabi ng mga imbestigador na robbery ang nakikita nilang motibo ng pamamaslang. Malamang daw na nan­laban ang matanda sa mga magna­nakaw na pumasok sa kanyang ba­hay kaya siya sinaksak. Maaari rin daw sinamantala talaga ng mga salarin ang kasagsagan ng bagyo para hindi gaanong mapuna ng mga kapitbahay ang kanilang ginawang krimen.

Na-shock daw si Cherry Pie nang makita ang nangyari sa ina at hindi pa makapagbigay ng statement tungkol doon.

Pero kung iisipin mo, may mga ganoon pala kasamang tao talaga. Hindi naman siguro makakalaban na sa kanila iyong matanda, bakit kailangan pang patayin kung pagnanakaw lang talaga ang motibo. May mga nagsasabi namang baka kilala ng matanda ang mga magnanakaw kaya siya tinuluyan para hindi na makapagsumbong pa.

Pero kung may ganyang mga krimen, maiisip mo talaga dapat nga siguro maibalik na ang death penalty.

AiAi walang pakialam sa nang-eembyerna sa kanyang lovelife

Kung kami ang tatanungin, tama ang sinasabi ni AiAi delas Alas na mas mabuti naman iyong nagkaroon siya ng isang boyfriend na mas bata sa kanya, kaysa naman sa ginagawa ng iba na pumapatol sa mga may asawa. Kung gagawin nga naman niya ang ganoon, maninira pa siya ng pamilya ng iba. At least kung bata man ang kanyang boyfriend, wala naman siyang natatapakang ibang tao. Hindi rin naman masasabing pinilit lamang niya ang boyfriend niya. In fact iyon pa nga ang naunang naglabas tungkol sa kanilang relasyon.

Sana naman this time, maging masaya na si AiAi.

Music ni Dj Richard pantanggal stress

Talagang relief ang magandang music. Matapos ang maghapong wala kaming naririnig kung ‘di ang tungkol sa mga bagyo at pagbaha, malaking relief iyong pagdating ng gabi ay may serbisyo na ng kur­yente, may telepono at internet na, at makakarinig ka ng magandang musika sa Moonlight Serenade ni Dj Ri­chard Enriquez sa dzMM.

Maganda ang pinatutugtog niyang music ha.

vuukle comment

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

DJ RI

DJ RICHARD

KANYANG

KUNG

MARIO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with