^

Pang Movies

Naked Truth kinansela!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dismayado ang mga nagplano na panoorin kagabi ang The Naked Truth fashion show ng Bench dahil hindi nila nagamit ang kanilang mga ticket.

Kinansela kahapon ang show sa Mall of Asia Arena. Balitang ngayong araw na lang itutuloy.

In fairness sa mga artista na kasali sana kagabi sa The Naked Truth, ginawa nila ang lahat ng paraan para makarating sa MOA Arena.

May mga last minute na nag-check in sa mga hotel na malapit sa venue ng fashion show at may mga sumagasa sa baha at malakas na ulan.

Nagpakita ng professionalism ang mga artista ka­hit may valid reason para  mag-back out sila sa fa­shion show. Pero wala silang magagawa. Hindi tala­ga puwedeng ituloy dahil sa pamimerwisyo ng bagyong Mario.

TV5 mabilis ang ginawang libreng sakay, mga artista ginamit ang social media para tumulong sa mga binagyo

Galit na galit ang habagat kahapon dahil walang humpay ang pagbuhos ng ulan na nagpapalala sa malalim na baha sa Metro Manila.

Mabilis na kumilos ang TV5 management dahil nagkaroon sila ng libreng sakay para sa mga kababayan natin na stranded sa baha. May mga inihatid ang mga service van ng TV5 sa Fairview, Quezon Avenue at iba pa na mga lugar. Binigyan din nila ng mga pagkain at damit ang stranded commuters na basang-basa ng malakas na ulan.

Tumulong din sa mga biktima ng habagat at baha ang mga artista na ginamit ang social media para matulungan ang mga kababayan natin na nagpasaklolo dahil lampas tao na ang tubig sa loob ng kanilang mga tahanan.

Sa totoo lang, malaking tulong ang social media sa panahon ng mga kalamidad at kaguluhan. Kita n’yo naman, nahuli ang mga pulis na sangkot sa hulidap sa Edsa dahil nakunan ito ng litrato at inilagay sa social media.

Tama na gamitin ang social media sa mabuting paraan, huwag lang sa kalokohan at paghahasik ng kasamaan.

Paolo na-stroke dahil sa pagpapapayat?!

Mabuti na ang kalagayan ni Paolo Ballesteros mula nang magkaroon siya ng transient ischemic attack o mild stroke.

Ilang araw na hindi napanood si Paolo sa Eat Bulaga dahil sa kanyang karamdaman.

How true na may ibang dahilan ang pagkakaroon ni Paolo ng mild-stroke? True kaya na may kinalaman ang sakit niya sa paraan ng kanyang pagpapapayat?

May nagsabi sa akin na obsessed si Paolo na pumayat, kahit physically fit siya. Hindi naman matabang-mataba ang itsura ni Paolo sa TV kaya hindi niya dapat pinarurusahan ang sarili. Aanhin mo ang sexy body kung may sakit ka naman?

vuukle comment

DAHIL

EAT BULAGA

MALL OF ASIA ARENA

METRO MANILA

NAKED TRUTH

PAOLO BALLESTEROS

QUEZON AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with