^

Pang Movies

Pussykip effective? AiAi dinugo dahil sa BF?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang kinalaman si AiAi delas Alas sa naglabasan na pictures niya kasama ang sinasabing boyfriend na bente-anyos. May sakit nga si AiAi nang mag-text sa amin kahapon upang iparating ang pagbati sa birthday namin ni Dondon Sermino.

Gusto nga sanang lumabas ni AiAi pero dahil sa naglabasan na pictures, “Ayoko na lumabas. Masyado na akong sikat! Joke!” text niya sa amin.

Eh, sa birthday party namin last Wednesday sa Imperial Hotel, tinanong kami ng kaibigang writers kung totoo ba ang balitang isinugod sa ospital si AiAi. Wala kaming alam tungkol doon. Ipinarating namin kay AiAi ang balita.

“Nampucha! Kung anu-ano na lang! Ano ba ‘yan?” tugon niya.

Dinugo raw siya kasi masyadong masikip ang keps niya dahil sa pussykip!

“Ha! Ha! Ha! Nakakaloka naman ang balitang ‘yan? Positive ba ang effect niyan? Ha! Ha! Ha!” tanong ni AiAi sa amin.

Modelo kasi si AiAi ng femelift ng Belo Medical Group o mas kilalang Pussykip. Hindi naman itinanggi ng komedyana na sa sumailalim siya sa prosesong ‘yon nu’ng press launch niya kaya like a virgin ang feeling niya, huh!

Aba, kung dinugo nga si AiAi dahil sa pagkakasagi ng kanyang keps, epektib ang Pussykip ni Dra. Vicki Belo, huh!  Kumbaga, ‘yung gustong sumailalim sa proseso, mapapatuna­yan nila ang slogan sa advertising na, “There is truth in advertising!”

Anyway, gusto mang maging tahimik ni AiAi sa bago niyang lovelife, hindi rin niya magagawa ‘yon dahil marami ang interesado sa makulay niyang buhay!

Anak ng nasirang si Miguel Rodriguez, sa showbiz din bumagsak

Lumutang na ang anak ng yuma­ong aktor na si Miguel Rodri­guez, si Sam Rodriguez. Mula sa pagiging modelo, kinuha siya ng TV5 sa una niyang acting stint sa Wattpad Presents Poser.

Para sa kaalaman ng lahat, ang TV5 lamang ang may karapatan na gumamit ng Wattpad dahil nabili na nila ito para gamitin sa ilang kuwento na mapapanood sa mini-series simula sa September 22.

Anyway, six years old pa lang si Sam nang mamatay ang ama sa araw ng mga Puso, February 14 dahil sa bangungot kaya nandoon ang lungkot niya. Ina niya si Tess Que na pinayuhan muna ang anak na tapusin ang college bago pasukin ang mundong gusto niya.

Ang stint ng ama sa sitcom na Palibhasa Lalake ang nagpapaalala sa kanya ng pagiging komikero ng aktor.

Sobrang sheltered daw siya at nagtapos sa exclusive school para sa mga babae. Eh kaso, nananalaytay ang ugat ng pagiging artista ng ama, kaya naman sa showbiz din siya bumagsak kahit na may plano siyang kumuha ng kursong abogasya.

Pero ngayong pinasok na niya ang pag-arte, sisikapin niyang sundan ang yapak ng ama bilang isang mahusay na artista.

Hindi lang ang story na Poser ang tampok sa Watt­pad Presents ng TV5. Lunes hanggang Biyernes, mapapanood ang episode nina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion na My Tag Boyfriend.

Kasunod nito ang Mr. Popular Meets Ms. Nobody nina Mark Neuman at Shaira Mae dela Cruz. Then, ‘yung Poser at sa final week ay ang Almost a Cinderella Story nina Carl Guevarra at Eula Caballero.

Carl itinangging si Kris ang dahilan ng pamamayat

Hindi raw si Kris Bernal ang dahilan ng pagiging payat ngayon ng aktor na si Carl Guevarra. Al­though may lungkot sa mukha niya nang dumalo sa birthday par­ty namin ni Dondon Sermino, natutuwa naman siya dahil meron siyang trabahong pinagkakaabalahan sa TV5.

Oo nga pala, gusto naming magpasalamat sa lahat ng na­kisaya sa amin sa birthday party gaya nina Kuya Germs, John Lapus, Jolina Magda­ngal, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, ang manager nilang si Perry Lansingan, ang GMA artists na sina Steven Silva, Julian Trono, Bianca Umali, Lance Serrano, Annabelle Rama, Boy 2 Quizon, direk Perci Intalan, Jun Lana. GMA bosses na sina Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata, Gigi Santiago, Redgie Acuna Magno, Angel Javier, Vic del Rosario of Kapuso, Kane Ochoa, Aaron Domingo, Eric John Salut of ABS-CBN PR at marami pang iba pa.

Special thanks of course kay Senator Grace Poe, Congressman Toby Tiangco, Rams David na nakaalala sa aming kaarawan, at siyempre, ang mother of all mothers na si Mother Lily!

 

vuukle comment

AARON DOMINGO

AIAI

ANGEL JAVIER

ANNABELLE RAMA

ARTHUR SOLINAP

CARL GUEVARRA

DONDON SERMINO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with