^

Pang Movies

PMPC Awards for Music malaking tagumpay

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Salamat po mula sa PMPC Star Awards for Music na six years na! Very successful na nairaos ito last Sunday sa Solaire Hotel Grand Ballroom.  

May bagyo pa namang Luis na nakisabay sa Star Awards for Music noong Sept. 14!  Pero walang paki ang fans nila Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Kris Lawrence, Michael Pangilinan, Abra, Sponge Cola, Gloc 9, Basilyo, Luis Moreno, Lea Salonga, Richard Yap, at supporters ng New Male Singer na isang inmate sa Muntinlupa na si Herbert C. Marami pang mga sikat na musician, singing group, duo, baguhan, o datihan nang artists ang dumalo rin sa awards night. Sayang at hindi dumating si Noel Cabangon na dalawang award ang nakuha at Zia Quizon na win sa Female Acoustic artist, pero ang saya ng musical night dahil nakita ng  audience ang mga idol nila na nag-opening number nina Gloc 9, Basilyo, Kris Lawrence, Sarah G. Maja Salvador, Abra, at iba pang magagaling sa larangan ng music industry. Ang mga naging host ay sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Christian Bautista. Ang show ay produced nina Jun Howard and Tess Celestino-Howard at direction ni Arnel Natividad.

Ilang panahon na rin na ang Airtime Marketing, Inc. ang producer ng Star Awards for Movies na 30 years na this year at Star Awards for Television na 27 years naman ngayon taon din.

Salamat po sa mga winner, non-winners, presenters, hosts, at fans, mga guest, pati na sa staff ng Solaire at sa buong production team ng Airtime Marketing, Inc. God Bless us all!

Batchmates nang-agaw ng eksena, sinuot na transparent gown

Grabe rin ang rampa ng Batchmates, isang all-girl group na puro magagandang babae at flawless. Isa sila sa mga nominado bilang Dance Album of the Year. Hindi man nagwagi, panalo naman sila sa mga mata ng maraming tao pati sa foreigners lalo na ‘yung isang Arabo na nanlalaki ang mga mata. “oh lala” what a p--ey!! ‘Yun ang sound ng pagkakabigkas niya, e, kasi super sexy ang mga girls. ‘Yun lang naka-long gown na fit na fit sa katawan nila, pero net ang tela at aninag mo na ang kanilang ‘kaluluwa’. Talaga namang lalaki ang mga mata ng mga taong nakakita sa Batchmates suot ang transparent gowns.

Ang natakpan lang ay ang private part sa harap at puwetan, may kaunti na lang ang takip sa boobs. Pero ‘yung isang member ng mga lady singer cum dance group ay kitang-kita raw ang kepyas. Hindi kaya sinadya?  ‘Yung isa kitang-kita ang naka-tumpok na ‘kagubatan’ down under na itim na itim ang kulay.. ohhh lala...

Father Joey magaling palang gumiling

Ang galing ni Fr. Joey Faller, the healing priest ng Kamay ni Hesus Healing Foundation na matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon. Magaling siyang sumayaw at kumanta na ipinakita sa ika-25 years niyang pagpapari last Sept.12. Sa gabi idinaos ang masayang programa at sinabayan niya sina Dulce at ang Maskulados na mina-manage ni Direk Mark delos Reyes.

 

vuukle comment

ABRA

AIRTIME MARKETING

ARNEL NATIVIDAD

BATCHMATES

KRIS LAWRENCE

MAJA SALVADOR

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with