^

Pang Movies

Tom para raw nakasakay sa roller coaster nang makita ang set ng bagong game show

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa dry run ng game show na Don’t Lose the Money ay nagkakaisa sa pagsasabi ang mga entertainment press na malaki ang potential na maging magaling na game show host si Tom Rod­riguez. Bukod sa napakaguwapo ay spontaneous pa ito at maaasahan din sa English.

Ano ang initial reaction mo nang ialok sa iyo ang show na Don’t Lose the Money?  tanong namin.

“Sobra-sobra po ang nerbyos ko laluna nang magsimula ang taping kung saan lalo akong kinabahan nang makita ang set at ang mga ilaw. Parang roller-coaster ang naramdaman ko. Na-excite rin po ako dahil first time kong mag-host sa game show,” pag-amin ni Tom.

Maganda ang show kaya enjoy kami sa panonood sa aming mga kapatid sa hanapbuhay na naglaro sa taping gamit ang kanilang lakas, tapang, diskarte, at strategy sa paglalaro.

Ang Don’t Lose the Money ay sa direksyon ni Mark Reyes at magsisimula ito bago ang The Ryzza Mae show sa Lunes, September 22.

Walang binanggit o sinagot na tanong si Tom tungkol sa kanila ni Carla Abellana. Isa lang ang sinabi nito na siya’y masaya at naka-focus muna sa trabaho laluna sa TV hosting.

Kuh nagsilbing nanay-nanayan ng Music & Magic

Humarap sa entertainment press ang magaling na si Kuh Ledesma kasama ang mga bumubuo ng Music & Magic na halos dalawang dekada ring namahinga.

Nagbabalik ang grupo at si Kuh sa concert na Trending: Music & Magic (The Reunion) sa October 3 sa PICC Plenary Hall.

Ginunita nila ang masasaya nilang araw nung time na wala pa silang gaanong pera. Kahit disoras ng gabi ay pinupuntahan nila si Kuh para manghingi ng panggasolina at binibigyan naman sila ng singer. Naalala rin ni Kuh na dumating sa puntong tig-iisang balut lang ang pinakakain niya sa grupo pero nang kumita na sila ay sinabihan sila na kung kaya nila ay bibigyan sila ng tiglilimang balut.

Naging matatag ang kanilang bonding kahit magkakahiwalay sila dahil sa L.A. nagtrabaho ang ibang kasamahan nito.

Aawitin nila sa concert ang mga awiting pinasikat nila nun, most requested songs at magdaragdag din ng mga makabagong awitin.

Pa-text-text na lang ang relasyon

Halaw ito sa totoong kwento ng pag-ibig nina Joana Carla Gonzales at Kelvin Dean Chua. Nagsimula ang relasyon nila noong sila ay maging textmates. Umusad ang kanilang relasyon hanggang mabuntis si Joanna. Nakunan ito pero nagkaroon pa rin ng panganay na anak.

Hindi nakayanan ni Kelvin na buhayin ang mag-iina kaya nakitira sila sa lola ni Joana. Pero napilitan din si Kelvin na iwanan ang kanyang mag-ina at nakitira siya sa kapatid. Nagpapalitan na lang sila ng text messages. Itutuloy pa ba nila ang kanilang relasyon?

Iyan ang sasagutin nina Jean Garcia at love expert na si Shela Tan sa Love Hotline ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA 7.

vuukle comment

ANG DON

CARLA ABELLANA

JEAN GARCIA

JOANA CARLA GONZALES

KELVIN DEAN CHUA

KUH

KUH LEDESMA

LOSE THE MONEY

LOVE HOTLINE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with