^

Pang Movies

Sarah na-shock sa pamilya Gutierrez

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng It Takes Guts to be a Gutierrez Season 2 ay natanong si Sarah Lahbati kung adjusted na ba siya being part of Gutierrez family. May mga shocking ba siyang experience?

“Marami,” natatawang say ni Sarah. “Hindi, pero it’s always fun being around them, going on adventures with them, pero definitely, nung umpisa, medyo shocking bilang only daughter ako sa parents ko. And meeting like 10 family members. . .

“Pero ang colorful ng buhay nila, and minsan, it can be chaotic but in a good way, in a fun way, and it’s fun dahil nga mag-isa lang akong anak sa parents ko, so I’m always happy and having fun when I’m with them,” pahayag ni Sarah.

Nasasaktan ba siya kapag sinasabing hindi pa siya officially a Gutierrez?

 “No. I’m happy with Zion, I’m happy and content,” she said.

Sa season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula na sa Oct. 5, makikita na raw talaga ng mga tao ang relasyong Sarah and Richard. Kung sa season 1 ay glimpse lang daw ang nakita, this time ay kasama na talaga si Sarah and baby Zion sa susundan ng camera at makikita rin kung paano silang tatlo as a family.

“On this second season, with the help of Karen Wiggins (the director), she really captured all angles in terms of relationship between Sarah and I, and how our relationship with the whole family is. So, it’s more dynamic now,” say ni Richard.

Ejay at Meg huling magka-date

May tsismis na nakarating sa amin na nagdi-date raw ngayon sina Ejay Falcon and Meg Imperial. May nakakita raw sa dalawa sa bandang Ortigas.

Nagkasama ang dalawa kailan lang sa episode ng Maalaala Mo Kaya kaya maaaring dito sila nagsimulang maging interesado sa isa’t isa.

Nang tanungin si Ejay ng isa naming katoto tungkol dito, hindi naman niya itinanggi na nagkita sila ni Meg pero hindi raw sila nag-date.

 “Nagkita lang kami sa gym (Gold’s Gym).  Lapit kasi sa akin ang  Robinsons Galleria  Kaya dun din ako nag-mall,” paliwanag ni Ejay.

When asked kung nanliligaw ba siya sa dalaga, natawa ang young actor.

 “Di naman po nililigawan. Ligaw agad?” he said.

Well, pareho naman silang single. Walang boyfriend si Meg ngayon at matagal na ring break sina Ejay and Yam Concepcion kaya wala namang masama kung magkamabutihan man sila.

Ate Guy biglang binabawi ang ibinentang bahay!

Nagyakapan sina Mother Lily Monteverde at Nora Aunor sa presscon ng Dementia last Tuesday. Say ng Regal matriarch, bagama’t away-bati sila ng Superstar, mahal na mahal naman niya ito.

“At saka, I became rich because of Ate Guy,” dayalog pa ni Mother.

“You know why? She gave me Valencia,” say pa ng lady produ.

Ang Valencia na sinasabi ni Mother ay ang kanyang mansyong pagkalaki-laki located at Valencia, San Juan.

Dating pagma-may-ari ni Ate Guy ang Valencia residence at ibinenta lang niya ito kay Mother Lily matagal na panahon na ang nakalilipas.

Heto na ang nakakaaliw na parte sa presscon. Pagkatapos nilang magsabihan ng mahal nila ang isa’t isa, biglang say ni Nora, “soli n’yo na lang ‘yung Valencia” na talagang ikinatawa ng lahat.

Parang wala namang narinig si Mother Lily at kumanta na lang.

 “Mother please, ha? Isoli n’yo na lang ‘yung Valencia,” hirit ulit ni Guy.

Nang matanong sa Superstar kung seryoso ba siya sa kanyang sinabi, say niya ay nagbibiro lang daw siya. Pero kung ibibigay daw sa kanya, bakit naman daw niya hindi tatanggapin.

vuukle comment

ANG VALENCIA

ATE GUY

EJAY

EJAY FALCON

IT TAKES GUTS

IT TAKES GUTZ

LANG

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with