^

Pang Movies

Jasmine natakot nang makaeksena si Ate Guy

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Intimidated nu’ng una si Jasmine Curtis-Smith sa presence ni Nora Aunor sa una nilang pagkikita sa shooting ng Dementia.

“Pero after ng first two days, parang naka-get over na po ako sa kanya. Proud ako na makasama siya sa isang eksena. In-acknowledge naman niya ang fear ko. I was able to know na trabaho lang ‘yon. Mas naging confident ako sa acting ko afterwards,” pahayag ni Jasmine nang makausap namin bago ang presscon ng movie na unang directorial job ni Perci Intalan.

Nakasama niya sa shooting si Ate Guy sa Bata­nes bilang pamangkin niya sa movie. Bale ito ang next na malaking project ng TV 5 Princess after ng much acclaimed movie niyang Transit.

“Mas drama ‘yon more than anything. This one, focused sa horror. Psychological side naman. Meron ding drama pero it’s really more of mapapaisip ka,” saad pa ng young actress.

Una rin niyang nakatrabaho bilang director ang dati niyang boss sa TV5 na si Perci.

“Ang galing po niyang director. First film niya ito and he was able to work efficiently. Sobrang li­mited din kasi ‘yung time to film. Pero maganda ‘yung blocking namin for our scenes na kahit four a.m. na, okey pa rin kaming magtrabaho. ‘Yung hindi ka nagmamadaling umuwi ‘pag katrabaho mo sila kasi alaga ka nila,” katwiran pa niya.

Sa tatlong taon ni Jasmine sa showbiz, marami na siyang performance sa TV shows niya ang hinangaan ng publiko. Isa na rin siyang in demand na endorser at pagdating sa movies, mabenta rin siya.

“Masaya, masaya po ako. Overwhelmed! Ang sipag ng management ko. Hinahanapan ako ng trabaho. Halos wala na akong rest day. Basta once a week, nakakapagpahinga. Kaya masaya kasi maraming artista na naghahanap ng trabaho. Nangangarap na araw-araw may trabaho kaya kailangang ma-appreciate din ‘yon minsan,” diin ni Jasmine.

Pero kahit pagod siya, inspired naman siya sa boyfriend na si Sam Concepcion, huh!

“Well! Ha! Ha! Ha! May time naman po kami! We have a very good communication. Kaya kahit papano, we understand when we don’t see each other kahit ilang araw na. Okey lang.  I know I am very, very focused on work.

“And he knows that it’s my top priority talaga. Intindihan lang naman ‘yon sa isa’t isa,” katwiran ng aktres.

Nagsama nga sina Jasmine at Sam sa isang mini-series sa TV5. Five episodes lang ito at dalawang araw nilang kinunan ang mga eksena. Sa September 22 ito ipalalabas.

“Natapos lahat ng two days. Surprisingly! Ha! Ha! Ha!

“Okey naman. Actually, walang pinagkaiba ‘pag may katrabaho akong iba. Ang benefit lang, kasama ko siya! Hindi ka na nag-aabalang i-update. Hindi na siya nag-iisip na, ‘Okey pa kaya siya?’ Nakikita mo na kung nagpapahinga o nagtatrabho ‘yung tao. ‘Yun lang naman ang benefit na nakuha ko from that.

“Sobrang professional kasi ng work ethics na­­min when we’re together! Parang hindi rin siya, parang mukhang kami nu’ng nagtatrabaho Work-minded!” chika pa ni Jasmine.

Kumusta naman ang daddy niya na nagkaroon pala ng bypass operation?

“He’s good! He’s awake! He can talk a bit. Happy kami because it was a successful operation. So now, post op na lang ang iniintindi namin. Sana tuluy-tuloy na sa recovery ang Papa ko!” hiling ni Jasmine.

Mother hindi kayang magalit kahit sumuway sa kanilang contract sina Lovi at Daniel

Nakabibilib din talaga si Mother Lily. Sa halip na maging maramdamin sa isyung kinasangkutan ng anak na si Dondon Monteverde sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI), humiling siya na magkausap ang dalawang panig upang magkaroon ng amicable settlement between her son, Direk Erik Matti, Lovi Poe, and her manager Leo Dominguez.

Sa totoo lang, maraming nalalaman si Mother na breach of contract ng ilan niyang exclusive artist gaya ni Lovi. Isa na rito si Daniel Matsunaga na bilang bahagi ng pagkapanalo ng Pinoy Big Brother All In ay pumirma na movie sa Star Cinema.

Pumirma si Daniel sa Regal kasama ang ilang Brazilian models ilang taon na ang nakararaan. Kahit hindi pa siya nabibigyan ng project, subsisting pa rin ang pinirmahan ng contract.

Pero hindi na ito pinalagan ni Mother Lily. Nangi­babaw pa rin kasi sa kanya ang tumulong at pagmamahal sa movie industry. Kesa makipag-away, peaceful settlement ang gustong mangyari ng Regal producer.

Sana lang, itong mga manager at ar­tistang ito na may exclusive contract sa Re­gal, bigyan naman nila ng respeto si Mo­ther Lily na kausapin nang maayos at magpaalam. Basta naman sa ikabubuti ng career ng isang artista, hindi hadlang si Mother Lily, huh!

vuukle comment

ATE GUY

DANIEL MATSUNAGA

LANG

MOTHER LILY

NAMAN

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with