^

Pang Movies

Paolo na-stroke!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bata pa si Paolo Ballesteros, thirthy one lang ito pero na-mild stroke pala ito. May nagkokomento, marahil daw ay nasobrahan ito sa labis na init ng panahon kapag nasa labas sila at sumusugod sa mga bahay kasama sina Jose, Wally, at Marian Rivera. Pawisang palagi si Paolo tuwing sumusugod sa mga bahay pero may pagkakataong biglang uulan.

Magandang exposure nga naman kasi ito for Paolo pero nakakatakot. Who knows, sina Jose at Wally ay may posibilidad ding ma-stroke sa init ng araw, na huwag naman sana.

Ex-beauty queen/actress nakakandado ang ref

Totoo ba ang balita tungkol sa aktres na ex-beauty queen na nagsususi ng ref tuwing aalis ng bahay? Minsan daw kasi kinakain ng mga kasambahay niya ang laman ng kanilang ref, kaya’t ganun na lang ang pagtatalak nito. Ano ba yan, para namang napakahirap ng buhay at pati pagkain ipinagdadamot sa kapwa. On the other side, ito namang mga kasambahay, huwag pakikialaman ang pagkain ng mga amo n’yo.

AiAi gumigimik para sa kanyang pampasikip?!

Marami ang nagulat noong mabulgar na may 20-year-old boyfriend si AiAi delas Alas na isang badminton player ng De La Salle University. Thirty years ang agwat ng binatang taga-La Salle kay AiAi.

May nagtatanong, hindi kaya parte ng isang gimik ang pagkakagustuhan ng dalawa dahil model si AiAi ng isang produktong parang nakapagbabalik ng virginity ng isang tulad niyang forty-nine years old na?

Anyway, ang mahalaga, in love na naman ang komedyana at karapatan niya naman ito.

Ryzza naaliw sa mga ‘anak’ ni Rita

Sa ika-20 ng September nakatakdang magkaroon ng book signing ang aktres na si Rita Avila sa SMX para sa ikatlong librong ginawa niya na may titulong The Invisible Wings. Tampok ang mga pamosong manika niyang sina Mimay, Popoy, at Pony na gustong maging mga anghel sa lupa.

Birthday ni Rita sa ika-20 at mamimigay siya ng cupcakes sa naturang book signing sa mauunang bumili ng libro sa St. Pauls. Ang kikitain ay ibibigay niya sa orphanage. Napakagandang misyon ito ni Rita na makatulong at makapagbigay ng kasiyahan sa mga nangangailangan.

Noong mag-guest si Rita sa The Ryzza Mae Show sa Eat Bulaga, ipinakilala ni Rita sina Mimay at Popoy kay Ryzza Mae at ganun na lang ang pagkatuwa nito. Palibhasa’y bata kaya appreciated niya ang mga dolls ni Rita.

Mommy Elaine gumaling dahil kina Sharon at KC

Masaya si Megastar Sharon Cuneta dahil nasa mabuting kalagayan na ang kanyang Mommy Elaine Cuneta. Malaking bagay siguro ang pagbabantay ni Mega at KC Concepcion kaya’t bumuti na ang kalagayan niya.

 

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

EAT BULAGA

INVISIBLE WINGS

LA SALLE

MARIAN RIVERA

MEGASTAR SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with