^

Pang Movies

Aktres tinakasan ang utang na P20,000 sa reporter

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Matagal nang ’di nababayaran ng aktres na ito ang kanyang utang kung saan kumuha ito ng alahas sa kaibigang reporter. May naiwang balanse na P20,000 na bumilang na ng taon gayung may nilalabasan naman itong TV show at mga out-of-town shows kaya hindi masasabing wala siyang pambayad.

Minsan ay ’di sinasadyang nagkita sila ng reporter na alahera pero bigla itong nawala at nagtago na si aktres sa ’di kalayuang lugar.

Maliit lang ang P20,000 para sa isang artista. Pero talagang ayaw na nitong bayaran ang pagkakautang niya.

Nagbiro nga ang alahera na abuloy na lang niya ito sa aktres.

Lauren nakalimutan ang lines at blocking nang makaharap si Dennis

Magkasama sina Dennis Trillo at Lauren Young sa Hiram Na Alaala na malapit nang umere. Matagal na palang pangarap ng aktres na maka­trabaho ang aktor dahil hanga siya rito hindi lang sa galing umarte kundi sa gandang lalaki nito.

Nagkaroon naman ng katuparan ang kanyang wish.

“May isang eksena na nagtititigan kami. Naku! Nakalimutan ko ang aking lines, ’yung blocking at hindi ako makaarte,” pagkukuwento ni Lauren.

First taping pa lang ng dalawa ay sumabak na sila sa kissing scenes kaya iba talaga ang naging epekto sa kanya ng isang Dennis Trillo dahil nga malaki ang crush niya rito.

Umaasa naman si Lauren na kahit wala siyang karelasyon ngayon, ga­yundin si Dennis ay hindi sila magkakaroon ng something. Ayaw nitong dini-date siya ng co-stars.

Magtatapos na ang Dalawang Mrs. Real at ang Hiram Na Alaala ang papalit na mapapanood na sa September 22 sa direksyon ni Dominic Zapanta.

Strawberry Lane, may temang pampamilya

Maganda ang istorya ng pilot episode ng Strawberry Lane na nauukol sa pamilya at alam naming hindi ito bibitiwan ng mga manonood. Puro problema ang kinasadlakan ng pamilya – nawalan ng anak si Sunshine Dizon at nang mabigyan ng pagkakataon ay nagsilang pero ninakaw naman ito ng yayang si Tina Paner na sabik din sa anak. Kapatid ni Sunshine si Sheryl Cruz na namatayan ng anak dahil sinisi ang kapatid na si Sunshine nang mahulog sa bangka ang bata at namatay din. Ayaw nitong tanggapin na isang aksidente ang nangyari.

Ano kaya ang magiging kaugnayan ng mga batang bidang sina Bea Binene, Joyce Ching, Kim Rodriguez at Joanne Marie Tan sa ibang tauhang sina Sheryl, Sunshine at Tina?

Mapapanood ang Strawberry Lane pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Te­lebabad.

vuukle comment

AYAW

BEA BINENE

DENNIS TRILLO

DOMINIC ZAPANTA

HIRAM NA ALAALA

JOANNE MARIE TAN

JOYCE CHING

LAUREN

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with