^

Pang Movies

Kris, eight months natengga bago binigyan ng trabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Eight months nang walang project na ginawa si Kris Bernal sa GMA 7 pero hindi siya nagreklamo. Last soap pa niya ay ang Prinsesa ng Buhay Ko na natapos noong January, 2014 at ngayon lamang siya muli nagkaroon ng bagong drama series, ang Hiram na Alaala.   Ayon kay Kris, hindi siya matanong, naniniwala raw kasi siya na pinag-iisipan ng network kung ano ang babagay na project sa kanya. It pays daw to wait kaya natuwa siya nang ibigay sa kanya ang role ni Andrea sa Hiram Na Alaala na ang leading man niya ay ang matagal na niyang pinapangarap na makatambal, si Dennis Trillo. Muli rin silang magtatambal ni Rocco Nacino na very comfortable na siyang kasama dahil ilang beses na silang nagtambal, kapapanalo pa lamang noon ni Rocco sa StarStruck 5.

Challenged si Kris sa bago niyang role dahil grabe raw ang dramatic scenes na gagawin niya lalo na nang nawala si Rocco as Joseph nang ipadala ito sa war zone. Pero may dumating na nagpakilalang siya si Joseph, si Ivan (Dennis).

Mapapanood na simula sa Lunes, September 22, ang soap sa direksyon ni Dominic Zapata. Ito ang ipapalit sa Ang Dalawang Mrs. Real na final episode na sa Friday, Sept. 19.

Natanong din si Kris tungkol sa dating boyfriend na si Carl Guevarra, pero sinabi niyang tapos na talaga ang almost two years nilang on and off relationship.  Wala na rin silang communication dahil nasa TV5 na si Carl at balita raw niya ay busy ito sa mga projects noon.

PAMI nilinaw ang ginawang pagkundena kay Direk Erik

Ayon sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI), hindi sila nakikialam sa kontratang pinag-usapan sa pagitan nina Leo Dominguez at Lovi Poe at nina Direk Erik Matti at co-producer niyang si Dondon Monteverde ng Kubot: The Aswang Chronicles 2. Ang kinu-condemn nila ay ang ginawang pagmumura ni Direk Erik which he posted sa kanyang Facebook account last September 5, kay Lovi.  Hindi sila makapapayag na basta pwede na lamang murahin ng kahit sino ang kanilang mga artista.  Iyon din ang naging discussion nina Boy Abunda at Kris Aquino sa programa nilang Abunda & Aquino Tonight sa Channel 2.  Pero naniniwala ang dalawang hosts na maayos din ang problemang ito.

Movie ni Direk Wenn pilit kinu-konek sa ‘anak’ nina Tirso at Nora

Close kami kay Tirso Cruz III kaya natanong kami kung tungkol ba sa manikang si Maria Leonora Teresa nina Tirso at Nora (Aunor) ang pelikulang Maria Leonora Teresa na showing na simula ngayong Wednesday, September 17, in cinemas nationwide.  Wala pong kinalaman sa nasabing manika sa story na isinulat ni Keiko Aquino at idinirek ng box-office director na si Wenn Deramas dahil isa itong horror movie ng tatlong batang namatay in a brutal accident. Humingi ng tulong sa isang doctor ang mga magulang nilang sina Faith (Iza Calzado), Stella (Jodi Sta. Maria), at Julio (Zanjoe Marudo). Tatlong dolls ang ibinigay ng doctor sa kanila na kamukha ng namatay nilang mga anak para raw malimutan nila ang nangyari sa mga ito.  Pero magbibigay nga ba ng comfort sa kanila ang tatlong manika? First horror movie directorial job ito ni Wenn at pare-pareho ring first horror movie na ginawa ng tatlong bida sa Star Cinema.

vuukle comment

AQUINO TONIGHT

ASWANG CHRONICLES

AYON

BOY ABUNDA

BUHAY KO

CARL GUEVARRA

DIREK ERIK

MARIA LEONORA TERESA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with