^

Pang Movies

J Rumampa sa UAAP Cheerdance Competition Essy pinasok na rin ang paghu-host

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Dapat dagdagan ang exposure ni Jessy Mendiola na sumabak na mag-host kahapon sa UAAP Cheerdance Competition sa Araneta Coliseum. Tutal bentang-benta ang beauty niya kahit nauutal-utal pa siya. Pero okey naman dahil nag-enjoy ang tinaguriang señorita aktres ng Kapamilya Network sa nasabing event at inalalayan pa siya ng co-host nitong si Boom Gonzales.

Balikat pa lang ang ipinakita ni Jessy, pero ang lakas na ng appeal niya lalo na sa mga men. Talagang umagaw ng pansin ang ganda ni Jessy kahit marami pang magagandang kolehiyahala ang naglipana mula sa mga sumaling universities ng UAAP.

Pinatakam pa lang ni Jessy ang mga manonood dahil rarampa siya sa The Naked Truth ng Bench ngayong Sabado sa Mall of Asia. Suspense pa kung isa siya sa rarampa na naka-underwear na tiyak hindi namang pahuhuli at makikipagtalbugan sa ibang celebrities na rarampa.

Alex mami-miss ang kadaldalan ni Marya

Sa nalalapit na pagtatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real ni Alessandra de Rossi, nagri-request agad ang mga fans niya na gumawa pa siya ng maraming soap dahil mahusay daw si Alex, na totooo naman.

Hindi naman siya nagpahuli sa aktingan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Samantala, proud si Alex na nakasama niya si Marya, na isa sa biggest stars na nakatrabaho niya. Mami-miss daw niya ang ingay ni Maricel. Masaya raw kasing kasama si Maricel na puro daldal ang ginawa sa set nila ng ADMR ng Kapuso Network.

vuukle comment

ALEX

ARANETA COLISEUM

BOOM GONZALES

CHEERDANCE COMPETITION

DINGDONG DANTES

JESSY

KAPAMILYA NETWORK

KAPUSO NETWORK

LOVI POE

MALL OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with