^

Pang Movies

Gov. Vi masayang-masaya na si Angel ang gaganap na Darna sa pelikula

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sinuportahan ni Angel Locsin ang Alay-Lakad na ginawa ni Gov. Vilma Santos sa Batangas noong nakaraang Linggo kasama ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

Tuwang-tuwa si Vi nang malamang ang aktres ang gaganap na Darna sa pelikula na prodyus ng Star Ci­nema. Nagawa na ito ni Gel sa telebisyon noong nasa GMA-7 pa siya.

Sa kabilang banda, alam ng gobernadora na bagay kay Angel ang Darna role gaya nang gawin niya ito noong Dekada ’70. Very vocal sa pagsasabi si Vi na botong-boto siya kay Angel para maging manugang dahil napakabait nitong anak kaya magiging mabuting asawa ni Luis at ina ng magiging mga anak nila.

Kris nasarapan sa halik ni Dennis

Nang maging guest si Kris Bernal sa Startalk noong Sabado ay sinabi niyang puwede silang magkaroon ng relasyon ni Dennis Trillo na katambal niya sa Hiram na Alaala. Matagal na niyang crush ang aktor.

Nagkaroon na sila ng kissing scene sa teleserye at merong kung ano ang naramdaman niya.

“Malambot ang kanyang labi at masarap siyang humalik,” aniya.

Palabas na ang Hiram na Alaala sa September 22 sa direksyon ni Dominic Zapata sa GMA Telebabad.

Napapanahong problema sa LTO tinalakay sa Celebrity Hour

Kahit gumising nang maaga ay sulit naman ang aming hirap at pagod dahil magaganda ang mga paksang tinatalakay namin sa forum na Celebrity Hour tuwing Sabado sa Tiara Hotel sa Makati.

Makabuluhan ang tema last Saturday kung saan guest si Mrs. Belen Atendido na siyang presidente ng JODAM Transport at tinalakay namin ang mga problema sa LTO na napapanahon ngayon. Guest din ang singer-composer na si Arth Oliquino na isang composer at singer ng DZXL kung saan nakalikha na ito ng apat na awitin. Pinag-usapan namin ang kalagayan ng music industry at ang business partner ni Direk Tony Reyes kung saan abala sila sa entry ng Metro Manila Film Festival na My Big Bossing’s Adventures.

Ayon kay Mrs. Loretta Jalandoni Uy, wala naman silang problema sa paggawa ng pelikula dahil matagal na siya sa showbiz at alam na ang pasikut-sikot ng movie industry. Magagaling ang mga performers na nagiging guest sa Celebrity Hour hosted ng inyong lingkod. Co-host ang magaling na broadcaster ng DWBL na si Juvy de Guzman at directed by Nards Belen tuwing 9-11 am. Ito’y prodyus ni Danny Atienza at FAMAS President na si Eloy Padua na pumasok na rin sa movie production at may pelikulang ginagawa titled Revelation.

vuukle comment

ALAALA

ARTH OLIQUINO

CELEBRITY HOUR

DANNY ATIENZA

DARNA

DENNIS TRILLO

DIREK TONY REYES

DOMINIC ZAPATA

ELOY PADUA

HIRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with