^

Pang Movies

Female TV host cheap ang hitsura ng mga sinusuot, makeup inookray din

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami na ang nakakapansin sa mga hindi kagandahang mga suot ng isang female TV host sa kanyang show.

Kung dati ay magaganda ang mga suot nito, ngayon ay parang sa kunsaan na lang department store nabibili ang kanyang damit.

Napag-alaman namin na nilayasan pala ng sty­list ang naturang female TV host kaya hindi na ito mukhang sosyal.

Hindi na raw nakayanan ng stylist ang hindi magandang treatment ng female TV host sa kanya at sa iba pa nitong mga kasama.

Masyado na raw naging OA ang pagiging demanding ng female TV host. Kapag may gusto ito na biglaan mula sa kanya stylist, kailangan mai-produce ito ng stylist agad-agad or else magtatatalak daw ito.

Kahit pagdating sa makeup at pag-ayos ng buhok niya, marami itong nagiging reklamo. May mga gustong ayos ang female TV host na hindi bagay sa kanya pero ito ang dini-demand niya sa nag-aayos sa kanya.

Kapag hindi raw nito nagustuhan, basta na lang daw nito buburahin ang make-up pati na ang ayos ng buhok niya.

Kaya ang ending ay pinagwelgahan ang female TV host ng kanyang stylist at makeup artist. Kahit anong pakiusap ng staff ay ayaw na talaga nilang makatrabaho ang female TV host.

Dahil sa wala nang nag-aasikaso sa female TV host kapag may show ito, kung anu-ano na lang ang dala nitong damit at sa makeup artist ng studio na lang siya nagpapaayos.

Ayaw naman daw gumastos ng female TV host para sa sarili niyang stylist at makeup artist dahil pinapairal nito ang pagkakuripot niya.

Kaya hindi kataka-takang okrayin siya ng marami sa mga suot at ayos niya dahil obvious na wala na ngang nagtiyagang ayusan si female TV host.

Kahit igapang gagawin

Joyce gustong magkaroon ng college diploma

Nagbalik nga sa pagiging student si Joyce Ching.

Gusto raw matapos ng tween star sa kanyang pag-aaral kaya kahit na magkaroon ng conflict sa kanyang schedule ay gusto niyang makatapos.

Film ang kurso ni Joyce at pangarap niyang ma-involve sa film and TV production balang araw.

“Siguro pag-prepare ko na rin ito para sa magiging future ko sa TV or film. Tsaka na-miss ko ang maging student.

“Yun nga lang very strict sila sa attendance. May twice na akong na-absent dahil sa taping ng Strawberry Lane. May ibinibigay naman silang mga study plan para makahabol ako sa mga na-miss out ko.

“Promise ko kasi sa parents ko na magtatapos ako ng college at kahit na igapang ko pa ito dahil sa pagod, gusto kong makakuha ng college diploma,” ngiti pa ni Joyce.

Sa Strawberry Lane ay siya lang daw ang walang ka-partner. Hinahanapan pa raw siya ng puwedeng makapareha niya sa teleserye.

Floyd Mayweather pinabulaanan ang laban nila ni Pacman sa Dubai

Nasa plano na raw ng boksingerong si Floyd Mayweather, Jr. ang pagretiro sa 2015. Pagkatapos daw ng kanyang rematch with Marcos Maidana, dalawang laban na lang daw siya mula sa kanyang kontrata with Showtime.

Plano ni Mayweather pagkatapos ng kanyang kontrata ay maging promoter na rin sa pamamagitan ng kanyang Mayweather Promotions.

“I only got two more fights left and after the next two fights I just want to build the Mayweather Promotions brand.

“My next fight is in May and my last fight is in September, so a year from now will be my last fight.

“I’ll still work with my stable of fighters, still build the Mayweather Promotions brand. We have young fighters that we work with,” sey pa ni Mayweather.

Masaya naman daw ang CEO ng Mayweather Promotions na si Leonard Ellerbe sa desisyon na ito ni Floyd dahil sobra-sobra na raw ang pera nito kapag nagretiro na ito sa boxing.

“I’m happy. He deserves it. He’s put in the work his whole career. Grinding, done everything the fans have asked of him. He’s had a remarkable career. It’s time to hang ‘em up. Made all the money you can make. What else is there to do in the sport? There’s nothing else to prove.”

Kaya nag-deny nga si Mayweather sa balitang nakikipag-negotiate ang promoter ni Manny Pacquiao para sa kanilang laban na gaganapin daw sa Dubai at isang mayamang oil-magnet ang magpopondo nito.

“Not true! I can’t say what the future holds, but Arum and Pacquiao is trying to sell tickets for the (fight with the) guy named (Chris) Algieri. Trying to sell tickets for that fight. I don’t know where they fighting, I don’t know anything about what Top Rank is doing,” pagtatapos pa ni Floyd Mayweather.

vuukle comment

DAW

FEMALE

FLOYD MAYWEATHER

HOST

KAHIT

KANYANG

MAYWEATHER

MAYWEATHER PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with