^

Pang Movies

Dasal ni Marya tinugon ni Lord

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Today ang last taping day ng Ang Dalawang Mrs. Real at simula na rin ng final week, pero sa farewell pocket interview kina Ms. Maricel Soriano, Tommy Abuel, Diva Montelaba, Dominic Roco, at Ms. Susan Africa, wala pa silang alam kung paano magtatapos ang serye na idinidirek ni Andoy Ranay.

Thankful si Maricel na ang comeback show niya, after ng Vietnam Rose, ay naging big hit, mataas ang ratings, at nag-trending sa social media. Pero hindi ba siya nag-wish na sana ay nag-extend ito at hindi lang 16 weeks ang takbo nito?    Okey na raw sa kanya na tumakbo ang story on it’s natural course at hindi in-stretch dahil lamang mataas ang ratings.  Mas maganda raw iyong natapos ito na nasa itaas pa kaysa bumaba dahil lumaylay na ang story.  Inamin ni Marya na bago nag-start ang soap, dasal daw siya nang dasal with matching tears, na maging successful ito at tinugon naman siya ni Lord.

“Natuwa ako nang sabihin nila sa akin na nagustuhan ng mga viewers ang story, pati ang acting ko,” kuwento ni Maricel.  “It means they still love me kahit luka-luka ako.  Baka nga iyon ang dahilan kaya minahal nila ako dahil luka-luka ako.  Pero gusto kong pasalamatan lahat ang mga co-stars ko, si Direk Andoy, ang production staff, ang GMA sa pagtitiwala nila, ang dami kong blessings.”

Kung ano ang next na gagawin, si Boss Vic del Rosario raw ang may plano.  Pero gusto niya ulit gumawa ng isang drama project on TV.  May naisip daw siyang isang magandang story at iyon ang gusto niyang gawin. Pero gusto muna niyang magbakasyon dahil nahirapan siya sa character ni Millet, na gusto niyang sampalin dahil tanga ito.

Since close si Maricel kay Dingdong Dantes who plays her husband Anthony at kay Marian Rivera, natanong siya tungkol sa wedding ng dalawa sa December 30. “Aba, I’m very happy for them.  I can see na love nila talaga ang isa’t isa, so I wish them well.”

Sheryl walang alam sa love life ng dating asawa

Excited si Sheryl Cruz sa muling pagbabalik niya sa isang drama series sa GMA-7, ang Strawberry Lane.  Matatandaan na noong araw, halos sunud-sunod ang mga drama series na ginagawa ni Sheryl pero medyo nagkaroon ng problema ang marriage niya at mas inuna niya itong ayusin para sa kanilang anak na si Ashley.  Although divorced na sila ni Norman Bustos, may communication pa rin sila para sa kanilang anak.  Tuwing school vacation daw ni Ashley, sinusundo ni Norman ang anak at sa kanya nagbabakasyon ang bata.  When asked kung may iba nang family si Norman, hindi raw niya alam at hindi niya tinatanong kahit si Ashley.

Mapanood ang Strawberry Lane na idinidirek ni Don Michael Perez simula ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ASHLEY

BOSS VIC

DINGDONG DANTES

DIREK ANDOY

MARICEL

PERO

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with