^

Pang Movies

Healthy na ang hitsura, Boy Abunda parang hindi nagkasakit

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagbalik na ang King of Talk na si Boy Abunda sa telebisyon. Napanood na siya sa The Buzz kahapon, looking very healthy at mukhang okay na okay na.

Halatang na-miss siya ng mga co-hosts niyang sina Kris Aquino and Toni Gonzaga dahil kitang-kita ang kasiyahan sa dalawa as they welcomed the King of Talk.

Hindi mo mahahalatang nagkasakit si Kuya Boy dahil buhay na buhay ang kanyang mga halakhak at ang saya-saya niya. Bagama’t pumayat siya nang slight lang naman, mas bumagay pa nga sa kanya.

Maging kami ay na-miss din namin si Kuya Boy and we’re glad to see him once again on TV. Parang hindi kumpleto ang The Buzz kapag wala siya, ganundin ang Aquino & Abunda Tonight na parang ang lungkut-lungkot ng atmosphere kapag solo lang si Kris.

Sa malas ay tuluy-tuloy na ang full recovery ni Kuya Boy na isang buwan ding hindi napanood sa kanyang mga programa. Tonight ay inaasahang mapapanood na rin siya sa A&A.

Cristine naiinggit kina Ara at isa pang kapatid na buntis

Up to now ay wala pa tayong naririnig mula kay Cristine Reyes kung ano ba talaga ang totoo sa tsismis na buntis siya. Ang ate niyang si Ara Mina ang nagsalita for her sa kanyang interbyu na inere sa Bandila last Friday.

Itinanggi ni Ara na buntis ang kapatid at aniya, ‘yung isa pa raw nilang sister ang buntis, but not Cristine. Kaya bale, dalawa talaga silang preggy sa pamilya.

“’Yung sister kong isa (ang buntis). And then, siguro, nainggit siya (Cristine) sa amin, she wants to get pregnant,” say ni Ara.

“She’s trying and she wants to get pregnant. Sabi ko, paunahin mo muna ako,” dagdag pa ni Ara.

Sa ngayon ay six months preggy na ang aktres at sobrang maasikaso raw ng father of the baby na si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Ara and Patrick are expecting a baby girl.

Kim laging nakasuporta kay Kiko

Aminado si Kim Rodriguez na nalungkot din siya para sa special friend na si Kiko Estrada nang maudlot ang leading man project nito sa ABS-CBN na Mirabella.

“Nung hindi siya natuloy sa Mira­bella, kung ano ang naramdaman niya, ganun din naramdaman ko. Kasi, bilang magkaibigan, ang tagal na naming magkakilala.

“Siyempre, hindi ko maiwasang malungkot din ako para sa kanya, sa sobrang tagal na rin naming magkaibigan at sobrang halos araw-araw ay magkausap kami.

“Siyempre kung ano ang naramdaman niya, kung nalungkot siya, malungkot din ako para sa kanya,” say ni Kim.

Ano ang mga comforting words na sinabi niya kay Kiko noon?

“Sabi ko lang sa kanya, nandito lang naman ako para magbigay sa kanya ng suporta kung kailangan niya. Kasi kapag may problema rin naman ako, nandiyan din siya para sa akin, eh,” say pa ng young actress.

Happy daw siya na lumipat ulit si Kiko sa Kapuso at mas masaya raw siya ngayong magkasama na ulit sila sa serye, ang Strawberry Lane na incidentally ay magsisimula na tonight.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ARA AND PATRICK

ARA MINA

BOY ABUNDA

CRISTINE

KIKO

KING OF TALK

KUYA BOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with