^

Pang Movies

Megastar hinahanapan ng record album ng mga fans

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung anu-ano ang naririnig naming ispekulasyon lately tungkol sa kasunod na proyektong gagawin ng Megastar na si Sharon Cuneta ngayong libre na siya sa anumang contracts sa kahit na anong kumpanya. Hindi mo naman maiiwasan ang mga ispekulasyong ganyan dahil marami naman talaga ang interesadong makuha ang kanyang serbisyo. In fact may isang TV network na ngang nagtatanong kung ano ang kanyang plano talaga.

Pero alam din naman ng Megastar na marami pa siyang kailangang paghandaan bago ang kanyang pagiging aktibong muli. Kabilang na nga riyan ang pagbabawas niya ng timbang na inamin naman   niyang napabayaan niya. Hindi naman siguro magtatagal iyan, dahil kami nga, alam namin na basta determinado si Sharon sa kanyang gagawin, magagawa niya iyon in no time at all.

Hindi rin naman siguro niya naasikaso agad iyang mga bagay na iyan, dahil kagaya nga ng alam natin, isinugod na naman sa ospital last week si Mommy Elaine, na natural si Sharon naman ang siyang mangangalaga sa ermat niya. Pero mabilis din namang naka-recover si Mommy Elaine at nagpapalakas na lang ulit ngayon. Nakakapagbiro na nga si Sharon na sayang naman daw ang tapang ng ermat niya kung susuko nang ganoon sa sakit lang.

Siguro ngayon ngang maayos na ang lahat, mas maaasikaso na niya kung anuman ang mga bagay na kailangang ayusin pa sa kanyang career.

Marami sa kanyang mga fans ang nagsasabi na kung hindi pa nga raw siya ready na gumawa ng pelikula, na siya nilang hinihintay talaga, at wala pa ring definite plans agad sa telebisyon, magandang gumawa muna siya ng bagong album. Medyo matagal na rin naman kasi simula noong huling nag-recording ang Megastar. Sabi nga ng ilang fans na nag-email sa amin, sana raw makagawa si Sharon ng isang pop album naman, kagaya noong araw dahil iyon daw ang nami-miss nila.

Sabi nga namin, siguro naman pinag-aaralan na ngayon ng mga managers niya kung ano ang susunod nilang career move para sa Megastar, at hindi magtatagal sasabihin din nila iyan.

Jackielou at Lotlot hindi lang puro ganda

Noong media launching noong bagong TV show ng GMA 7, iyong Hiram na Aalaala, tini­tingnan namin sina Jackielou Blanco at Lotlot de Leon. Parehong mother roles na kasi ang ginagawa ng mag-hipag. Pero kung titingnan mo silang dalawa, aba eh mas mukhang bata pa sila kaysa sa karamihan ng mga artistang sumusulpot ngayon. Iba ang ganda ng mga artista noong araw. Hindi kagaya ngayon puro mga plain-faced stars ang naglilitawan ngayon, na makagawa lang ng isa o dalawang hit, sinasabing stars na.

Marami nga ang nagsasabi, parang hindi pa bagay na maging nanay sina Jackie at Lotlot. Pero kung iisipin mo nga kung gaano na kalalaki ang kanilang mga anak, kagaya nga noong si Janine na anak nina Lotlot at Monching, aba eh magugulat ka talaga.

Ang maganda lang diyan kina Jackie at Lotlot, kung noong araw ay masasabing naging artista lang sila dahil magaganda sila, at dahil na rin sa talagang galing sa showbiz ang kanilang pinagmulang pamilya, ngayon ay talagang kinukuha na sila dahil sila ay napatunayang mahuhusay ngang aktres. Nalampasan na rin nila iyong panahon na ang hinahabol lamang ng mga tao ay ang kanilang persona­lity. Ngayon nagugustuhan na sila dahil sa talagang talents nila.

Ganyan naman dapat ang mga artista eh.

vuukle comment

DAHIL

KUNG

LOTLOT

MEGASTAR

MOMMY ELAINE

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with