^

Pang Movies

Heart pinagkakakitaan ang kasal nila ni Chiz?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumayag talaga si Heart Evangelista na gamitin ang isang TV commercial niya sa Sunday All Stars last Sunday kaugnay ng pagpapakasal nila ni Sen. Chiz Escudero! Nakakailang, huh! For the sake of commercialism eh gagamitin para sa isang pribadong pangyayari sa buhay niya, huh!

Of course, Heart is earning media mileage dahil sa wedding proposal ni Sen. Chiz. Na-bother lang kami dahil pinasok talaga ang TV commercial na as if naman, may kinalaman para mahimok ang senador na pakasalan siya!

Hindi pa man nakakasal, may komersiyalismo nang nangyayari. What more kung kasalan na?  Kaloka, huh!

Imbes na makiuso at siraan ang ibang katunggali, Sen. Grace mas piniling pulsuhan ang problema sa MRT

Hindi na amusing ang mga ice bucket challenges na ginagawa ng ating public officials, huh! Puwede naman silang mag-donate nang tahimik, eh bakit kailangang isapubliko pa ang pakikiuso nila sa challenge na ‘yan?

Mas una sana nilang bigyan ng solusyon ang problema sa bayan kesa makisakay sa hamon na ‘yan. Look at Senator Grace Poe! Aba, hindi na­kiuso sa mga ice bucket challenge na ‘yan!

Mas una niyang pinahalagahan ‘yung pagpila niya sa MRT upang magkaroon siya ng basehan sa gusto niyang batas na ipanukala, huh! Aba, sa mga senador na ang ginagawa ay imbes­tigahan ang kapwa senador o kaya’y gaya ni VP Jejomar Binay na balak tumakbo sa 2016, sa bayan at sa tao kayo magpakabayani, ‘no?

Hindi ‘yung puro grandstanding eh wala naman kayong kong­kretong nagagawa sa bayan, huh! Kairita na ang ganyang siraan nang siraan, huh!

Ryzza Mae nakakaawa nang parampahing labas ang tiyan

Hindi kami pabor na ipakita ni Ryzza Mae Dizon sa telebisyon ang malaki niyang tiyan, huh! Naasiwa kami at naawa tuloy sa bagets dahil hindi namin nagustuhan ‘yung pagpapakita niya ng tiyan kahapon sa Eat Bulaga kaugnay ng FHHM contest nila sa matatabang babae.

Masyadong malaki ang tiyan niya para sa batang kaedad niya. Although natural lang ‘yon sa mga batang matataba, feeling namin ay hindi kaaya-ayang tingnan ‘yon sa telebisyon.

Hangga’t maaari ay iwasan sana ang pagpapakita ng tiyan ni Ryzza o huwag masyadong ilapit ang kamera sa katawan niya, huh!

Alex at Joseph gumigimik lang?

Tuluyan na ngang magkakaisnaban sina Alex Gon­zaga at Ryan Bang ngayong tinanggap na ng host-actress na maging partner si Joseph Marco para sa darating na Star Magic Ball ng Kapamilya talents.

Naimbyerna kasi si Alex sa Koreano sa parunggit niyang echusera siya sa isang presscon. Dumidiskarte kasi ang Pinoy Big Brother (PBB) alumnus sa younger sis ni Toni Gonzaga, pero waley naman feeling ang batang sister sa komedyante, huh!

Eh, isa si Joseph sa leading men ni Alex sa Pure Love, so mas makakatulong sa career at show niya ang maka-date ang young actor sa okasyon.

Naku, parang hindi namin maimadyin si Alex na si Ryan ang ka-date, huh!

 

vuukle comment

ALEX

ALEX GON

CHIZ ESCUDERO

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

HUH

JEJOMAR BINAY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with