^

Pang Movies

Sharon marunong nang magdesisyon sa sariIi?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa ngayon, may mga nagtatawa at nagsasabing saan daw kaya pupunta ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos niyang umalis sa TV5. Siguro nga maiisip nila, wala namang projects talagang naghihintay sa kanya.

Pero kung napansin ninyo, lately, si Mega mismo ang gumagawa ng lahat ng kanyang mga announcements. It means na siguro nga she is deciding for herself now. Iyon naman talaga ang dapat. Kasi sa kaso naman ni Sharon, umabot na siya doon sa point na hindi na maaaring iba pa ang gumawa ng desisyon para sa kanya. Umabot na siya doon sa point na hindi na siya dapat “inaakay” sa kanyang career. Dapat siya na mismo ang dumiskarte dahil kabisado na niya ang show business after all. Ilang dekada na nga ba siya sa negosyong ito?

Pero kahit naman sino, nagkakaroon talaga ng pagkakamali kung minsan, at iyan ay isang bagay na inamin naman niya. Minsan ay may mga bagay na napababayaan natin, at inamin din naman niya ang pagkakamaling iyan.

Siguro sa ngayon ay wala pa ngang nakaaalam kung ano ang mga plano niya, pero isang bagay ang sigurado. Nakakita na siya ng ibang pagkakataon kaya nga kumawala siya sa kanyang one billion contract.

Hintayin na lang natin. Alam naman ninyo iyang si Sharon basta kumilis at basta desidido siya sa kanyang gagawin makakabawi iyan.

Pagtsugi sa seryeng Niño pinagtatakhan

Nagulat kami doon sa narinig naming mukhang tatapusin na rin daw ang Niño. Actually, nagtataka kami kung bakit, dahil ang naririnig namin ay maraming nanonood ng seryeng iyon. Hindi namin pinakikinggan ang mga lumalabas na survey. Ang batayan namin, kung ano ang naririnig namin sa mga taong nakakausap namin, kung ano ang TV show na kanilang pinag-uusapan pagkatapos nilang mapanood, iyon na iyon.

Pero kung aalisin na nga iyan, siguro may mga bagay na hindi natin alam. Siguro may mga balak silang kailangang ipalit agad sa serye para mas makakuha ng mas malaking audience pa. Pero for whatever it is worth, napatunayan naman nila ang kanilang kakayahan. Hindi ba umugong pa nga ang kuwento na aalisin ang isang serye dahil tinatalo lang sila ng drama ng baguhang si Miguel Tanfelix, ganoong mas malaki ang kanilang star?

Kabadingan ng young aktor at premyadong aktor hindi na maitago

Sabi ng isa naming source, “totoo ang tsismis na bading iyong male star na walang ebidensiyang may girlfriend siya. Pero hindi naman totoo na ang BF niya iyong bading ding nagmo-model modelan”.

Sabi rin niya, “pero totoong mas bading at mas dapat umamin na iyong male star na walang ebidensiyang may anak nga siya. At lalo namang hindi totoo ang sinasabi niyang gusto na niyang mag-asawa sa isang babae. Baka lalaki pa puwede.”

 

vuukle comment

KUNG

MIGUEL TANFELIX

NAMAN

PERO

SIGURO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with