^

Pang Movies

Cristine preggy nga ba?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May pasabog nga ba sa pagso-showing ng The Gifted nina Anne Curtis, Sam Milby, at Cristine Reyes for Viva Films, bukas, September 3?  Marami kasing nagtatanong kung totoong preggy si Cristine sa kanyang foreigner boyfriend. Ayon sa mga nakapanood ng The Buzz last Sunday, kung saan nag-promote ang tatlong bida ng The Gifted, tahimik daw lamang si Cristine at malabo ang sagot tungkol sa boyfriend nito. Kung sa usapang kasal ay hindi nga raw malinaw ang kanyang answer bagama’t sinabi niyang pinag-uusapan na ang kasal.

Nagsimula raw kasi sa isang blind item ang preggy issue at si Cristine ang tinutukoy dito, dahil na rin sa clue na nagbabagong-image raw ang actress at ayaw nang gumawa ng mga sexy mo­vies.  Madalas din daw na biglang nawawala sa presscon ang actress kaya hindi siya nai-interview tungkol sa movie at sa love life niya. 

Jennylyn may bagong Luis na!

Nakausap namin ang program manager ng bagong sisimulang drama series sa GMA 7 na Second Chances at sabi niya ay tuloy na rin ang character ni Luis Alandy at hindi na siya special participation lamang.  Gaganap na mag-asawa sina Luis at Jennylyn Mercado, kaya mukhang matutupad na rin ang wish ni Luis na magkakilala na sila nang tuluyan ng actress.  Hindi kasi itinatago ni Luis na matagal na niyang crush si Jennylyn pero noon ay may girlfriend pa siya at si Jennylyn ay may boyfriend naman.  First time lamang nilang magkakatrabaho sa isang project. 

Alden papalitan si Mrs. Real

Marami kaming natatanggap na tanong kung bakit daw tatapusin na ang Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7, samantalang mataas naman ang ratings nito at talagang sinusubaybayan ng mga manonood gabi-gabi. Hanggang September 19 na lamang ang serye na dinidirek ni Andoy Ranay at sa ngayon, kinukunan nang mahusay na director ang court scene.

Naiintindihan naman daw ng cast at production staff ang desisyon ng management, to give way din naman sa iba pa nilang inihandang drama series.  Pero after ng Ang Dalawang Mrs. Real, mapapanood muna ang Ilustrado ni Alden Richards as Dr. Jose Rizal, with Kylie Padilla as Leonor Rivera and Solenn Heussaff as Josephine Bracken.  Tatalakay ito sa travel ni Rizal sa Europe, his rivalry with Filipinos abroad at ang paghihirap niya sa ibang bansa.  Mula sa GMA News & Public Affairs ang Bayani-Serye ay mapapanood ng four weeks from September 22 to October 17. Saka pa lamang ito papalitan ng Second Chances na nagtatampok din kina Raymart Santiago, Camille Prats, Rafael Rosell, Roi Vinzon, Frencheska Farr, at new child star Joshen Bernardo, sa direksyon ni Laurice Guillen, simula sa October 20.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDOY RANAY

ANNE CURTIS

CAMILLE PRATS

CRISTINE

JENNYLYN

LUIS

MRS. REAL

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with