^

Pang Movies

Kumpirmado na!: Kasal nina Heart at Papa Chiz isasabay sa birthday ng aktres sa 2015

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sinabi ni Senator Chiz Escudero na nagbibiro siya nang sabihin niya na magpapakasal sila ni Heart Evangelista sa 30th birthday nito sa February 14, 2015 para isang celebration na lamang.

Pero kinumpirma ni Heart kahapon sa Startalk na ikakasal sila ng kanyang dyowa sa February 14 at intimate wedding ang gusto nila.

Kahit walang sinabi si Heart tungkol sa venue ng kasal nila ni Papa Chiz, hindi ko babawiin ang report ko na mangyayari sa Balesin Island ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nakipag-meeting na sina Heart at Papa Chiz sa wedding coordinator noong Biyernes.

‘Pag ‘di sinipot ng ama, Heart magmamartsa sa altar na mag-isa

Nang makipag-usap sila sa wedding coordinator, saka nag-sink in sa isip ni Heart na wala nang uru­ngan ang pagpapakasal nila ni Papa Chiz.

Napaluha si Heart nang mapag-usapan ang kanyang mga magulang.

Ang tatay niya na si Mr. Rey Ongpauco ang gusto ni Heart na maghatid sa kanya sa altar. Kung sakaling hindi raw dumalo ang tatay niya dahil hindi nito matanggap na mag-aasawa na ang kanyang anak, maiintindihan ni Heart ang sitwasyon.

Mas gusto ni Heart na magmartsa nang solo papunta sa altar kung hindi makakasipot ang tatay niya sa araw ng kanyang kasal.

Fans hindi mapakali kung balik-Kapamilya network o sa Kapuso mag-oober da bakod si Mega

Nakatanggap ako ng text message tungkol sa pag-alis ni Sharon Cuneta sa TV5. Na­tanggap ko rin ang official statement ng Kapatid Network tungkol sa pasya ni Sharon na huwag tapusin ang kanyang ex­clusive contract sa TV network na naging tahanan niya sa loob ng tatlong taon.

Asking ang fans ni Sharon, ngayong hindi na siya Kapatid talent, babalik ba siya sa ABS-CBN o mapapanood siya sa mga programa ng GMA 7.

Nag-promise naman si Sharon na malalaman ng fans ang kanyang mga susunod na hakbang na may kinalaman sa career niya.

Programa nina Goma at Sharon wala nang pag-asa kahit nakapag-taping na

Pinutol na ni Sharon ang relasyon niya sa TV5. Nangangahulugan ito na shelved na talaga ang sitcom nila ni Richard Gomez, ang My Pirated Fa­mily.

Nakapag-taping na sina Sharon at Richard ng ilang episodes para sa My Pirated Family.

Kasama sa cast ng sitcom si Elizabeth Oropesa na nakausap ko noon sa presscon ng Kamkam. Si Oro ang nagkuwento sa mga reporter na nahinto ang ta­ping ng kanilang sitcom at wala siyang idea kung kailan ang resume. Hindi na pala matutuloy ang project dahil nagdesisyon si Sharon na mag-goodbye sa Kapatid Network.

Richard cool na cool sa bagong game show

Nawalan man si Richard Gomez ng project sa TV5, nagkaroon agad ng kapalit at ito ay ang Quiet Please, Bawal Ang Mai­ngay!

Bidang-bida si Richard sa kanyang game show dahil siya ang solo host.

Walang pressure na nararamdaman si Ri­chard dahil masaya at mabilis ang taping ng Quiet Please. Hindi siya napapagod nang todo at lalong hindi ina­abot ng kinabukasan ang trabaho niya.

Kahit may sakit, Ogie pinagbigyan pa rin ang hiling ng fans

Kinumpirma ni Ogie Alcasid na magkakaro­on ng repeat ang kanyang birthday concert, ang Throwback Thursday.

Naghahanap pa si Ogie ng perfect date para sa repeat ng kanyang very successful concert. May nagkuwento sa akin na pagkatapos ng concert ni Ogie, tiningnan agad ang kanyang blood pressure.

Kagagaling lang ni Ogie sa sakit kaya tiniyak ng doktor na hindi nakaapekto sa kanyang BP ang sobrang pagod sa pagkanta at pagsayaw. Naging ge­nerous kasi si Ogie sa request ng audience na kumanta pa siya, kahit overtime na ang show.

vuukle comment

HEART

KANYANG

KAPATID NETWORK

OGIE

PAPA CHIZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with