^

Pang Movies

Miguel nag-iipon para makabili ng condo

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nalalapit na ang pagtatapos ng Niño at ayon sa program manager na si Helen Rose Sese, kahit napakataas ng rating nito ay hindi na nila ie-extend ang teleserye dahil ayaw nilang mag-suffer ang istorya. Kinakagat ito ng mga manonood kaya nga consistent ang mataas na rating.

Nakakuwentuhan namin si Direk Maryo J. delos Reyes at tinanong ito tungkol sa pag-arte ng bidang si Miguel Tanfelix.

‘‘Magaling siyang umarte at kung bibigyan ko ng grade ay above average ito. Isang turo lang ay kuha na niya ito,” sabi ng magaling na director.

Kumusta naman si Miguel ngayong magtatapos na ang Niño?

Sey ng guwapong binatilyo ‘‘mami-miss ko silang lahat laluna si Naynay (Angelu de Leon), close ka­ming dalawa at para ngang nanay ko siya sa tunay na buhay. Hindi ko naman po nadadala ang karakter ko sa bahay dahil may isa pa akong show ’yung Ismol Family kaya ibang karakter naman ako.’’

Inamin din ni Miguel na crush niya sa showbiz si Marian Rivera at ang ka-love team na si Bianca Umali. Pero malayo pa na ma-in love siya dahil mahalaga ang kanyang trabaho at higit sa lahat bata pa siya. Marami pa siyang plano sa kanyang buhay. Gusto niyang magkaroon ng permanenteng ka-love team at magkasundo naman sila ni Bianca.

Malayo ang bahay nila, Cavite,  at mag-iipon pa siya para magkaroon ng condo sa Quezon City. Pero hindi pa siya handang mag-isa at gustong kasama pa rin ang magulang at bunsong kapatid na lalaki.

vuukle comment

BIANCA UMALI

HELEN ROSE SESE

ISMOL FAMILY

MARIAN RIVERA

MARYO J

MIGUEL

MIGUEL TANFELIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with