^

Pang Movies

Pero napagkamalang matador sexy photos ni Luis Alandy pinag-iilusyunan ng mga Thai

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sikat na sikat nga ang aktor na si Luis Alandy sa Thailand dahil naging number one trending topic siya ng mga netizens doon dahil sa isang sexy photo niya.

Kumalat nga sa mga netizen sa Thailand ang isang kuha ni Luis na topless siya sa isang palengke. Kuha ito sa isang eksena ng GMA 7 teleserye na Beauty Queen noong 2010. Role doon ni Luis ay isang matador sa palengke.

May isang nagngangalang Golfsuda Nam na nag-post ng photo na ito ni Luis sa kanyang Facebook account at sinabing isang butcher nga raw si Luis sa Khlong Toei market. Nagbebenta nga raw ito ng pork doon mula 2:00 AM at sold out daw ang lahat ng paninda nito.

Kumalat ang photo at maraming Thai netizens tuloy ang interesadong makita si Luis ng personal sa naturang palengke sa Thailand at bumili ng karne sa kanya.

Umabot ang photo na ito ni Luis hanggang sa Thai morning show na Khao Khon Morning kung saan pini-feature nila ang mga trending topics sa social media. Lumabas na nanguna si Luis Alandy.

May nagbigay na ng impormasyon na hindi matadero si Luis sa Thailand kundi isa itong aktor sa Pilipinas.

Nag-research pa sila at naglabas pa sila ng ilan pang mga sexy photos ni Luis na lalong ikinatuwa ng mga netizens kaya gusto na nilang makilala si Luis nang personal.

Nakaabot nga kay Luis ang balitang ito at nagulat ito na ang dami na pala niyang fans sa Thailand.

Nagpasalamat si Luis sa kanyang Instagram account at ito ang caption:

 “Thank you Thailand for making me a star and trend in your country w/ this picture. I will see you soon. #Thailand #Actor #Philippines”

UP masaya sa pagdalo ni Nora

Personal ngang tinanggap ni Superstar Nora Aunor ang Gawad Plaridel Award noong nakaraang August 27 na ginanap sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute.

Isa nga si Ate Guy sa sampung media practitioner na ginawaran ng naturang karangalan ng College of Mass Communication ng naturang unibersidad.

Kabilang nga sa pinangaralan din ay sina Eugenia Duran Apostol (2004, print); Vilma Santos (2005, film); Tiya Dely Magpayo (2006, radio); Cecilia Lazaro (2007, radio); Pachico Seares (2008, community print); Kidlat Tahimik (2009, independent film); Eloisa “Lola Sela” Canlas (2011, radio); Rosa Rosal (2012, television); at Pete Lacaba (2013, print).

Ang parangal ay ipinangalan sa dakilang bayaning propagandista na si Marcelo H. del Pilar, na nagtatag ng peryodikong La Solidaridad sa panahon ng pag-aaklas tungo sa reporma noong ika-19 na siglo, mula 1889 hanggang 1895.

Ang may likha ng natatanging tropeyo ay ang eskultor na si Napoleon V. Abueva, National Artist for Sculpture.

Lubos na ikinagalak ng mga opisyal ng Pamantasan ng Pilipinas, sa pangunguna ni UP President Alfredo Pascual, ang pagdalo ni Nora sa okasyon.

Brad at Angelina lihim na nagpakasal sa France!

Ginulat nga nila Brad Pitt at Angelina Jolie ang buong mundo dahil sa kanilang secret wedding.

Biglang binalita nga sa Page Six ng New York Times ang balitang kinasal na nga ang dalawa sa France.

Nine years ngang magkasama ang dalawa ever since na nagkakilala sila sa set ng pelikulang Mr. &  Mrs. Smith in 2005. They got engaged noong 2012 at meron silang anim na anak: Maddox (13), Pax (10), Zahara (9), Shiloh (8) and five-year-old twins Vivienne and Knox.

Inamin ni Angelina na naghihintay lang sila ng “right time” ni Brad para ikasal sila.

 “We’re just waiting for it to be the right time with the kids, with work, when it feels right. We talk about it occasionally, and the kids talk about it with us,” sey pa niya sa People Magazine.

Muntik na nga raw maging wedding planners ang kanilang mga anak ni Brad.

 “They will in a way be the wedding planners. It’s going to be Disney or paintball—one or the other! We’ve got a lot of different personalities in the house.

 “They’ve got some strong opinions. It will be fun. That’s the important thing. When we do it, it will feel like a great day for our family.”

Tamang-tama nga ang pagpapakasal ng dalawa dahil may pelikula na ulit sila titled By The Sea.

Second marriage na nga ito ni Brad. Una siyang kinasal sa aktres na si Jennifer Aniston noong 2000. Ikatlong marriage naman ito ni Angelina. She first wed actor Johnny Lee Miller in 1996. Her second husband is actor Billy Bob Thornton na pinakasalan niya in 2000.

vuukle comment

ALFREDO PASCUAL

ANGELINA JOLIE

ATE GUY

BEAUTY QUEEN

LUIS

LUIS ALANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with