^

Pang Movies

Aktres sumama na ang ugali, hindi na basta-basta puwedeng ma-interview

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Imbyerna ang isang TV personality sa actress na nagtataray na ngayon sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya. Naikuwento raw sa kanya ng isang TV reporter na humihingi siya ng interview sa actress, pero sa halip daw na sumagot na lamang ng ‘oo’ o ‘hindi’ tinarayan pa siya, through her personal assistant na ang kulit-kulit daw ng TV reporter.

Kaya promise daw niya sa sarili niya, once na nalaman na niya ang exact date ng important event ng buhay nito, aalis siya para hindi siya mapilit mag-attend.

May ipinagmamalaki na raw ba ang actress kaya sumama na ang ugali nito?

Niño umabot din ng 16 weeks

Nag-deny si Director Maryo J. delos Reyes na kaya tatapusin na ang top-rating primetime show ng GMA 7 na Niño ay dahil pupunta siya sa U.S.A.  Kasama nga raw siya ng talent niyang si Miguel Tanfelix who plays the role of Niño, sa GMA Pinoy TV shows abroad. Pero hindi siya magtatagal doon, pagkatapos ng shows, babalik na sila rito ni Miguel dahil marami rin siyang dapat pang gawin. Aminado si Direk Maryo at ang cast at production staff ng soap na nalungkot sila nang malaman nilang hanggang September 12 na lamang sila at sa September 10 ang last taping day nila. Nag-expect pala sila na dahil mataas ang rating at pinag-uusapan ang good values na nakukuha sa story ng Niño, aabot sila ng December, tulad sa nangyari noon sa Munting Heredera

Pero naiintindihan din naman nila ang decision ng management na habang mataas pa ang rating ay tapusin na ang show na umabot din ng 16 weeks.  Alam din daw nilang nakahanda na ang ipapalit na bagong show, ang Strawberry Lane na magtatampok sa apat na tweens ng GMA, sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joanna Marie Tan, at Joyce Ching, an inspirational drama series din na ididirek ni Don Michael Perez.

Listahan ng sponsors sa kasalang Dingdong-Marian makukumpleto na

Kahit busy sa paghahanda sa kanilang coming December 30 wedding, tuloy ang magkahiwalay na work ng mga ikakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rive­ra.  Nasa Cagayan de Oro si Dingdong para sa Kapuso Fans Day.  Pero bago ang show, ginawa muna niya ang katungkulan niya as Commissioner-At-Large ng Natio­nal Youth Commission para sa kampanya ng Comelec na magpa-register ang mga tagaroon para sa coming 2016 elections.

Sa interview kay Dingdong tungkol sa mga possible ninongs and ninangs nila sa kasal, walang siyang sinabi dahil nag-usap na sila ni Marian na magkasama silang mag-aannounce ng complete list nila.  Isa na raw lamang ang hinihintay nila, ang sagot kaya sa September 7, idi-dinner nila lahat ng mga sponsors nila.

Today naman, si Marian ang nasa Robinsons Place Bacolod Fountain Area para sa ipinangako niyang Kapuso Fans Day doon at 8:30 p.m. Tamang-tama naman na at 7:00 p.m. mapapanood sa GMA 7 ang dance show ni Marian na Marian na ang concept ay back to the 60’s with special guests Rochelle Pangilinan, Kristoffer Martin, Joyce Ching, and guest co-host Christian Bautista.

vuukle comment

BEA BINENE

CHRISTIAN BAUTISTA

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO

JOYCE CHING

KAPUSO FANS DAY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with