^

Pang Movies

Pinagpapantasyahang dancer, beki rin pala!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gustong sabunutan ng mga bading ang sikat na fashion designer na iginarahe ang male member ng sikat na dance group. Matagal nang pinapantasya ng mga beki ang boylet dahil artistahin ang dating at makinis, komo nga sumali na siya sa mga bikini contest!

Pero pinayuhan ng ilang mga bading ang friends na beki na nagpapantasya sa male dancer. Unless pumapatol sila sa mga “bulalo,” matataypan nila ang dancer. Eh, kung lalaki talaga ang hanap nila, eh hindi pasado sa criteria na ‘yon ang mana­nayaw, huh!

Kaya sa halip na magalit sa designer, tumiklop na lang ang mga beki dahil hindi raw sila kumakain ng isda dahil malansa, huh!

Kris Lawrence itsapwera na talaga kay Katrina

Ipinapasa-Diyos na lang ni Ka­trina Halili kung sino ang lalaking ibi­bigay sa kanya. Consistent pa rin kasi siya sa pagsasabing friends muna lang sila ni Kris Lawrence na ama ng anak niyang si Katie.

 “Kung siya (Kris), siya. Eh kung hindi, hindi siya!” rason ni Katrina sa pocket interview ng ilan sa cast ng Niño na magtatapos na after two weeks sa ere.

Kaya ba niyang panindigan ‘yon?

 “Ha! Ha! Ha! Mas better off!” sey niya.

Sa pagtatapos ng Niño, walang alam ang cast and staff na magbababu na ito. Nagkagulatan silang lahat nang makarating sa kanila ang balita. That time ng interview sa kanya, gusto niyang bumaba sa seventh floor ng network upang kausapin ang executives ng entertainment TV, huh!

 “Parang unexpected! Parang ang saya-saya pa namin! Huh! ‘Yun pala…

 “Kaya nga nag-fumiling kami! Kala namin, next year pa! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng aktres.

 “Nakaka-sad. Pero masaya naman,” bawi ni Kat.

Magtatapos na ang kontrata ni Katrina sa GMA sa January next year. Pero ayon sa kanya, hindi na siya nag­hahangad na bigyan pa siya ng lead role sa next project na gagawin niya.

 “Masaya na rin naman ako na soap lang. Mas more time sa bahay. Then sa sarili ko at sa anak ko. Kung iri-renew nila ako,” katwiran niya.

Eh, kung pakawalan siya ng GMA?

“Okey lang! Tanggap ko na! Hindi naman kasi ako…Tuwing nag-i-end ang contract ko, never naman akong nag-i-expect na kukunin ako. So kung kinuha uli nila ako, thankful ako. Kung hindi, parang iniisip ko, kumota na ako. Marami nang naitulong sa akin. Okey na.

“May business naman ako sa Palawan. Meron naman akong guaranteed contract so ‘yung makukuha ko, gagamitin ko sa Palawan. Gagamitin ko sa business!” pahayag ni Katrina.

vuukle comment

AKO

KAYA

KRIS LAWRENCE

KUNG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with