^

Pang Movies

Vic nagsalita sa ‘kasal’ nila ni Pauleen

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Bossing Vic Sotto naman ang kinukulit ngayon kung kailan naman siya magpu-propose ng kasal sa girlfriend na si Pauleen Luna.  Sagot niya nang makausap sa shooting nila ni Marian Rive­ra ng second episode ng My Bossing’s Big Adventures for the coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December, una-unahan raw lamang ang pagpu-propose ng kasal, kaya hindi naman niya ililihim kung sakaling gusto na nilang magpakasal ni Pauleen.

Thankful si bossing Vic sa bago niyang leading lady at tinanggap pa rin ni Marian ang offer niya kahit alam nitong magiging busy na siya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Dingdong Dantes sa December 30.  Knowing how professional ang Kapuso Primetime Queen, hindi kami magtataka kung join pa rin siya sa parade of stars ng MMFF sa December 23.  Pareho kasi silang may festival entry ng boyfriend, nagsu-shooting din ngayon si Kapuso Primetime King Ding­dong Dantes ng Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Camille at Suzi may nakakikilabot na kuwento

Malapit na palang mag-showing dito sa atin ang horror flick na Annabelle, kaya inunahan na ito nina Camille Prats at Suzi Entrata mamaya sa lifestyle show nilang Mars, at 7:00 p.m. sa GMA News TV.  May special guest silang isang paranormal expert na nagsasabing bad spirits take possession of dolls and vintage things. 

Sina Raymond Bagatsing at Katrina Halili ang magtuturo naman kung ano ang mga cursed items sa show.  Pero magbibigay din ng mga good vibe things sina Raymond at Katrina sa pagluluto at magpapakita rin ng husay nila sa flash dance aero sa Mars activity.

Tom nandededma ng fans

Sad naman kung totoo ang balitang twice nang ini-snub ni Tom Rodriguez ang fans niya dahil daw sa kanyang handler na pinipigilan siyang lumapit sa mga ito tuwing matatapos ang regional shows nila.  Kilala naming mabait at accommoda­ting si Tom, kaya hindi kami makapaniwala. 

Matatanong si Tom tungkol dito dahil malapit nang magsimula ang bagong game show na iho-host niya, ang Don’t Lose The Money na mapapanood daily, bago ang The Ryzza Mae Show.  Nagsimula nang mag-taping si Tom dahil nakatakda siyang umalis for some GMA Pinoy TV shows abroad with rumored girlfriend Carla Abellana, Julie Ann San Jose, and Betong Sumaya.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BETONG SUMAYA

BIG ADVENTURES

CAMILLE PRATS

CARLA ABELLANA

DINGDONG DANTES

JULIE ANN SAN JOSE

KAPUSO PRIMETIME KING DING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with