^

Pang Movies

Anne ayaw tularan si Cristine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Desidido pa rin talaga si Cristine Reyes na huwag nang gumawa ng sexy scenes. Ito pa rin ang kanyang stand nang matanong siya sa second presscon ng pelikulang The Gifted na pinagbibidahan nila nina Anne Curtis and Sam Milby.

 “Nasabi ko nga sa last movie ko, ‘yung Trophy Wife na lessen na po ‘yung mga sexy films and teleserye. Hindi na po ako gagawa ng something na alam kong medyo daring. Kung ano po ‘yung mga nagawa ko na before, parang I think, I’m done with it,” say ni Cristine.

What about kissing scenes?

“Kissing scenes, I think, okay naman ang kissing scenes basta hindi lang overrated, parang ganu’n,” say ni AA (palayaw ni Cristine).

Sa tingin daw niya ay mas kum­portable nga raw siya doing comedy films tulad nitong The Gifted.

“I love doing it (comedy), especially, may background din ako sa Banana Split, and lumaki ako sa surroundings and environment ng sitcoms dahil lagi akong kasama ng sister ko nu’n. So, nakikita ko kung paano sila magtrabaho. So, mayroon akong background,” she said.

But at the same time, pareho lang daw mahirap ang gumawa ng sexy at mag-comedy. Hindi rin daw kasi madaling magpatawa ng mga tao.

Kung si Cristine ay gusto nang magpahinga sa paggawa ng sexy films, si Anne Curtis naman ay walang limitasyon at all sa ganitong bagay.

 “As an actress I want to be able to portray whatever role is on my way, may it be sexy, may it be drama, maybe comedy kasi for me, as an actress, it adds versatility,” say ni Anne.

Pero nirerespeto raw niya kung anuman ang desisyon ni Cristine and sa tingin nga niya ay good move pa ito for her co-actress dahil naipakita raw nito sa The Gifted na kaya rin nitong mag-comedy.

 “I’ve never done this kind of film with her. I’ve worked with her in “that” field. Laging drama or sexy. So, eto, ipinakita naman niya talaga na she doesn’t have to be sexy all the time.

 “I think, maybe that’s why, she doesn’t want to do it anymore also. Para hindi rin ma-typecast. I think it’s a good move for her and at least, dito sa film, ipinakita niya na she doesn’t have to go like that anymore.

 “I’m all for it, and I think it’s great for her and I think we should just respect her decision if she feels that maybe she’s maximized already ‘yung ganun’g klaseng image, maybe it’s time for her to try something else na,” say ni Anne.

Showing na ang The Gifted ngayong Sept. 3 under Viva Films and Multi Vision Pictures Entertainment Philippines mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Takot maudlot Sam tikom ang bibig kung nililigawan na si Shaina

Hindi naman nakaiwas si Sam Milby sa mga katanungan tungkol sa real status nila ngayon ni Shaina Magdayao since umamin nga ang aktres recently na lumalabas-labas sila.

Pero ayon kay Sam, magkaibigan daw sila ni Shaina although he could say na nag-grow na ang kanilang friendship.

 “Our friendship has grown, and ‘yun nga, we’re enjoying the friendship. We’re taking it slow,” say ni Sam.

Pero may chance ba na ligawan niya si Shaina?

 “Oh, it’s not impossible because ‘yun nga, our friendship is growing. Kung nagde-date kami, ‘yung sinabi ko last time, never pa kami lumabas na kaming dalawa. So, hindi pa kami nag-date. But ‘yun nga, our friendship is growing and there is a chance pero wala pa sa stage (ng ligawan),” say pa ng aktor.

Ayaw na raw niyang sabihin pa kung gusto ni­yang ligawan ang girl dahil nadala na raw siya na lagi niyang sinasabi na gusto niyang ligawan ang isang girl pero pag hindi nagpu-push through ay kung ano-ano raw ang sinasabi ng mga tao.

“Kung meron akong nililigawan or dine-date, parang ayoko ring sabihin kasi minsan, ‘pag sinasabi ko, parang hindi nangyayari,” he said.

Kapag nag-push through na lang at magkaroon na siya ng girlfriend ay saka na lang daw niya ise-share. Pero sa ngayon ay wala pa raw talaga.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ANNE CURTIS AND SAM MILBY

BANANA SPLIT

CRISTINE

KUNG

PERO

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with