^

Pang Movies

Fans nanawalan ng gana kay Julia Barretto

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naapektuhan si Julia Montes sa pagpasok ng kapwa kapangalang build-up ng ABS-CBN si Julia Barretto. Steady pa rin si Montes sa sunud-sunod niyang project. Malaking banta sana noon ang pag-entra ni Barretto, kaso nakalaglag sa kanyang pangalan ang pagtatanggal sa apelyido nito ng ama, na hindi sinang-ayunan ng mga tagahanga. Sinong fans ba naman ang may ganitong attitude para tularan ang istilo ng mga Barretto? Well, ayun, may mga bagong build-up ngayong unti-unting sumisikat tuloy tulad ni Janella Salvador.

Ganyan talaga sa showbiz, dapat maingat ka sa mga gimik. Iwasang mayroong matatapakan lalo na kung kapamilya.

Mariel hindi selosa

Malaking bagay muli ang pagbabalik-tambalan nina Vina Morales at Robin Padilla. Tiyak may kilig factor pa rin ito, dahil minsan ding naging mag-on sila. May mga nagtatanong, hindi kaya magselos si Mariel Rodriguez, sa planong balik tambalan ng dalawa? Knowing, Mariel, mahal na mahal nito si Binoe.

Panalo ni Daniel pinagdududahan pa rin

Hindi exciting ang pagkakapili kay Daniel Matsunaga sa Pinoy Big Brother. Dati na kasi siyang nag-aartista at napapanood sa mga pelikula kaya’t kilala ng mga tagahanga. ‘Yung ibang hindi napili, mga dating starlet din na nag-try-out pero hindi sumikat sa Dos!

Bakit daw ganun at si Daniel ang nanalo gayung guest lang naman siya noong una, tapos biglang kasali na.

Martin may akting

Kwento ni Martin del Rosario, mistula raw siyang nag-workshop noong maka-encounter si Gina Pareño sa Magpakailanman. Grabe raw kagaling si Gina ganundin ang anak nitong si Raquel. Nakakaloka ang role ni Martin dahil nagka-Alzheimer’s disease ang nanay niyang si Gina at napagkamalan siyang asawa. Nasampal tuloy ang gumanap niyang asawang si Ryza Cenon dahil napagselosan ito. Magaling si Martin, may ibuguga siya sa akting.

                                                                                          

vuukle comment

BARRETTO

DANIEL MATSUNAGA

GINA

GINA PARE

JANELLA SALVADOR

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with