^

Pang Movies

Mga bitter na fans ni Jane nabuhayan ng loob

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naibsan ang pagiging bitter ng fans ni Jane Oineza nang mag-post ito na excited siya sa project ng gagawin niya sa ABS-CBN na siya mismo ang bida.

Hindi pa maka-move on ang team Jane dahil sa pagiging third placer ng kanilang pambato sa Pinoy Big Brother (PBB) All In.

Pahulaan pa kung anong palabas ang pagbibidahan ni Jane sa Dos. Pero natuwa sila sa ABS-CBN dahil hindi man daw big winner si Jane, tiyak silang mas si­sikat pa ito ngayon matapos lumabas sa Bahay ni Kuya

Wish din ng fans na magdilang anghel si Direk Cathy Garcia-Molina na time na para mapansin si Jane at mag-shine rin ang career tulad nina Julia Montes at Kathyrn Bernardo na kasabayan pa ng aktres sa Goin’ Bulilit.

Magagamit na rin ni Jane ang pagiging iyakin sa aktingan.

Happy din ang supporters ni Jane dahil makaka-attend ito ng Star Magic Ball na sure na sure silang si Jeron Teng ang magiging escort nito at hindi ang ex-PBB housemate na si Joshua Garcia na nakasira raw ng diskarte ni Jane sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ryan nawala na ang ‘pagkasabog’ kay Juday

May karapatan nang magbigay ng payo si Judy Ann Santos sa bago nitong palabas na I Do sa   contestants ng show sa ABS-CBN.

Dahil mismong si Ryan Agoncillo ang nagmalaking nagkuwento sa set ng Ismol Family ng GMA 7 na marami siyang natutunan sa asawa niyang si Juday.

Kung dati raw ay sabug-sabog ang isip ni Ryan kapag nag-aaway silang mag-asawa, ngayon ay natutunan daw niya kay Juday na mag-isip ng tama at kumalma. Idinadaan daw muna niya sa pag-inom ng kape para kumalas sa matensyon nilang pag-uusap sa isang bagay bago ipagpatuloy ang pag-uusap.

Kung dati ay lagi siyang pagalit sa pagtatalo, kay Juday pa rin niya nakuha ang technique na palampasin muna ang init ng ulo nilang dalawa. Hanggang ngayon ay araw-araw pa rin niyang nililigawan ang misis na si Juday ‘pag may tampuhan, para maibsan daw agad ang tampo nito sa kanya.

vuukle comment

ALL IN

CATHY GARCIA-MOLINA

I DO

ISMOL FAMILY

JANE

JANE OINEZA

JERON TENG

JOSHUA GARCIA

JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with