^

Pang Movies

Starlet na mandurugas, hina-hunting ng mga naisahan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinaghahanap ang dating female starlet na ito dahil sa mga utang nito sa maraming kinunan niya ng mga damit, sapatos, at mga imported na groceries.

Hindi na nga raw siya pinagbigyan ng isang inutangan niya ng extension dahil nakailang palugit na ito sa starlet.
Alam naman daw ng mga naniningil na may pera si starlet, ayaw lang daw nito talagang magbayad talaga dahil may ugaling balasubas at manunuba ito.

Kaya laking gulat ng female starlet nang may dumating na demand letter sa kanyang bahay.

Bukod sa kanyang mga utang ay may kasama na itong interes dahil sa tagal na panahon na hindi ito nagbabayad sa mga kinunan niya.

Imbes na wala siyang problemang malaki, dinagdagan pa ng mga maniningil ang dati pa niyang utang na ayaw nitong bayaran.

“Noong una raw ay ang starlet na ito ang nagmamakaawa na pautangin siya. With matching interes pa raw. Aba nang tumagal, ayaw nang magbayad.

“Ilang beses na siyang pinagsabihan pero dedma siya. Panay ang biyahe niya kaya ayan pag-uwi niya ay may demanda na siya.

“Ang utang ay utang. Ang bigay ay bigay. Kaya ang inutang ng babaeng ‘yan, bayaran na niya,” sey ng aming source.

Ginawa kasing puhunan ng female starlet ang perang inutang niya sa isang business na wala naman siyang kaalam-alam. Mukhang illegal pa nga raw ang pinasok niyang negosyo.

Naiinggit lang daw ito sa kapwa stralet niya na naging successful sa business na iyon. Kaya noong magpilit siya, nabokya siya kasi nga puro panlalamang ang ginagawa niya.
Ngayon daw ay aligaga ang female starlet na makahanap ng pambayad sa mga naniningil sa kanya. Nilabas na nga niya ang mga alahas niya at mga mamahaling signature bags para maisangla at maibenta ang iba.

Ogie talent manager na rin

 Nag­tayo na rin si Ogie Alcasid ng kanyang sari­ling talent management agency called The A Team.

Ang tatlong hawak ngayon ng kanyang agency ay sina Lara Maigue, Aldrich Talonding, and Q York na mga sumali sa Philpop contest.
Naniniwala nga si Ogie sa talent ng tatlong ito at gusto niyang sumikat ang mga ito para magkaroon ng mga bagong OPM artists ang local music industry.

“Magagaling ang mga batang ito. Hindi ko naman sila hahawakan kung wala akong bilib sa talent nila. Sana ay makatulong ako sa kanila.

We need new singers para patuloy na mabuhay ang OPM,” diin pa ni Ogie.

Sa August 27 ay mag-turn 47 na si Ogie at magsi-celebrate siya sa pamamagitan ng isang concert party sa Music Museum titled Throwback Thursday with Mr. A.
Flashback to the ‘80s ang theme ng birthday concert ni Ogie who started his singing career in 1988 pagkatapos niyang maging part ng Kunderana, ang all-male choir ng La Salle Greenhills.

Mga guest din ni Ogie ay ang produkto ng ‘80s tulad nila Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Jojo Alejar at may gagawin siyang tribute para kay Francis Magalona.

Busy nga rin si Ogie sa dalawang shows niya sa TV5: Tropa Mo Ko, Nice Di Ba? and Let’s Ask Pilipinas.

On September 5 ay mag-perform si Ogie sa Pinoy Music Festival concert na magaganap sa Ayala Triangle Gardens.

Anak ni Jackie Chan na si Jaycee

arestado sa ilegal na droga

Naka-detain ngayon on drug-related charges sa Hong Kong ang anak ni HK film star Jackie Chan na si Jaycee Chan.

Pinalabas sa Chinese television na nasa possession ng 31-year old na si Jaycee ang higit na 100 grams of cannabis na natagpuan sa bahay nito sa Beijing.

Tulad ng kanyang ama, isang aktor din si Jaycee at isa nga siya sa sampung kilalang celebrities sa Hong Kong na kinasuhan “on suspicion of accommodating suspected drug users.”
Kabilang din sa naka-detain ngayon dahil sa drug-related charges ay ang Taiwanese actor na si Kai Ko.

Nag-launch nga kamakailan ang bansang China ng periodic crackdowns on illegal drug use. Karamihan nga raw na involved sa ganitong illegal na bisyo ay mga celebrities.

Isang high profile citizen ang ama ni Jaycee na si Jackie Chan sa China. Na-delegate nga ito sa Chinese People’s Political Consultative Conference at isa rin siya sa “anti-drug ambassador” ng Chinese government since 2009.

vuukle comment

HONG KONG

JACKIE CHAN

NIYA

OGIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with