^

Pang Movies

Babae pa naman! News reporter maduwal-duwal nang makita ang maiitim na kuko ng TV host

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nandiri ang isang news reporter sa female TV host dahil kitang-kita nito ang mga maruruming kuko sa kanyang mga kamay.

Nagtataka naman ang reporter dahil humarap naman daw sa kanya ang female TV host na bagong ligo, malinis naman ang kanyang suot, mabango naman, pero noong makita raw nito ang mga kuko nito sa kamay, bukod sa ang kapal daw ng cuticle, maiitim daw ang mga nasa singit nito.

At habang kausap niya ang TV host, panay ang ngatngat nito sa kanyang mga maruruming kuko.

“Nagbungkal ba siya ng lupa bago siya dumating at humarap sa akin? Bakit ang dudumi ng mga kuko niya? Magsasaka na rin ba siya?

“Mukha naman siyang malinis. Ayokong isipin na mga libag niya ‘yang nasa mga kuko niya,” diin pa ng reporter.

Nakilala kasi ang female TV host na walang masyadong arte sa katawan. Wala itong takot na lumabas na walang make-up sa mukha at simple lang kung manamit.

Pero kahit daw simple ito, tingnan naman daw niya kung malinis ang mga kuko niya.

Kahit na sabihin pa niyang bagong ligo siya, eh kung ang mga kuko niya ay parang naghukay siya sa putikan, nakaka-turn off naman iyon.

“Tsaka ano ba ang masama kung magpa-manicure ka man lang?

“Importante na makitang malinis ang mga kuko mo kahit na sabihin mong naka-focus naman ang tao sa mukha mo. Meron at meron pa ring titingin sa mga kuko mo.

“Ang nakakalokah, kung ganyan ang mga hitsura ng kuko mo sa kamay, what more ang hitsura ng mga kuko mo sa paa?

“Magkano lang naman din ang magpa-manicure at pedicure, ‘di ba? Baka makakuha pa siya ng sponsor dahil kilala naman siya.

“Huwag naman gawing katamaran ang linisin ang bawat parte ng katawan dahil artista sila.

“Importante ang personal hygiene. Ang panget na masabihan kang salaula, ‘di ba? Lalo na’t artista ka pa na napapanood sa TV parati,” pagtatapos pa ng nandidiring news reporter.

Kristoffer Martin nagbigay na ng inspirational talk!

Naimbitahan ang Kapuso star na si Kristoffer Martin para magbigay ng inspirational talk para sa mga youth leaders sa probinsiya ng Cavite.

Ito ay sa 3rd General Trias Youth Leaders Summit na ginanap sa auditorium ng Lyceum of the Philippines in General Trias, Cavite last August 16.

Ang theme ng summit ay Organizing New Young Leaders of Tomorrow.

Naimbitahan ang young actor ni Councilor Kerby Salazar dahil alam niyang magiging magandang inspirasyon si Kristoffer sa maraming youth leaders ngayon.

First time gawin ito ni Kristoffer at masaya siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga youth leaders. Nai-share niya ito sa kanyang Instagram account.

Pinag-aagawan ng pamilya, Casey Kasem matatagalan pa bago mailibing

Hindi pa rin pala naililibing sa tahimik ang sumakabilang-buhay na broadcast legend na si Casey Kasem dahil pinag-aawayan pa rin ng kanyang dalawang pamilya kung saan siya dapat ilibing.

Pinigilan ng mga anak at mga kaibigan ng yumaong broadcast legend ang plano ng misis nitong si Jean Kasem na ilibing ang bangkay nito sa bansang Norway.

Sa isang letter na pinirmahan ng pamilya at kaibigan ni Kasem, wala sa kanila ang pabor na sa ibang bansa ilibing ito.

“As beautiful as your country is, our father has never spoken of any desire to be buried in Norway either to us or to his friends.

“In fact, it was the opposite. Casey wanted to be buried in his hometown of Los Angeles, California, his home of over 53 years.

“As far as we know, we are English, German, and Native American. We have never ever heard anyone speak of Norway or Norwegian for that matter in our house. We don’t have an ounce of Norwegian blood to our knowledge,” ayon pa sa letter.

Nakasaad din sa letter na ang attempt ni Jean na ilibing si Casey sa Norway at para ma-delay ang imbestigasyon ng local authorities sa alleged criminal elder abuse na ginawa nito sa kanilang ama.

Ang hiling daw ni Kasem noong nabubuhay pa ito ay ilibing siya sa Forest Lawn Memorial Park in Burbank, California.

vuukle comment

CASEY

CASEY KASEM

CAVITE

KRISTOFFER MARTIN

KUKO

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with