^

Pang Movies

Sorry ni Ramon Bautista wa epek, idineklarang persona non grata ng Davao

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wa effect ang sorry ni Ramon Bautista sa Da­vaoeños dahil hindi napigilan ang pagdedeklara sa kanya na persona non grata.

Hindi na malaya si Ramon na makapunta sa Davao City kaya apektado ang mga raket niya.

May mga endorsement pa naman si Ramon at alam na ng management ang nangyari dahil padadalhan sila ng kopya ng resolution ng city council.

At dahil persona non grata na siya sa Davao City, hindi na puwedeng masilayan doon ang mga billboard ni Ramon dahil sa kanyang hipon joke.

Mahihirapan si Ramon na i-please ang mga Davaoeños, lalo na ang mga Duterte na naimbyerna sa pang-iinsulto niya sa girls of Davao.

May dapat ipagpasalamat si Ramon dahil hindi sila nagpang-abot ni Mayor Rodrigo Duterte na nag-dialogue na sasampalin siya.

Masuwerte si Ramon dahil hindi sila nagkita ni Mama Sara, ang anak ni Papa Rodrigo na na-offend sa kanyang hipon joke. Nagmana si Mama Sara sa kanyang fadir na matapang at tagapagtanggol ng mga naaapi.              

Malakas na ulan pinagiginhawa ang selda

Grabe ang lakas ng ulan kahapon nang dumalaw ako kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jing­goy Estrada sa kulungan nila sa PNP Custodial Center.

Nakatulong ang malakas na buhos ng ulan para lumamig sa mainit na detention cell nina Bong at Papa Jinggoy.

Mula sa Camp Crame, nag-kill time ako sa parlor ni Bambbi Fuentes para sa 7 p.m. birthday party ni Mother Lily Monteverde.

Hindi muna ako umuwi ng bahay dahil nakapangako ako kay Mother Lily  na dadalo ako sa kanyang birthday party kagabi sa events place na pag-aari niya. As expected, early bird ako sa well attended party ni Mother.

Bukas ko ikukuwento sa inyo ang happenings sa masaya na party ni Mother.                             

Aktor na kinontrata laglag na sa gagawin sanang pelikula

Walang kamalay-malay ang isang aktor na may plano na tsugihin siya sa big movie project na pagbibidahan niya.

Tiwala ang aktor na hindi ito maiitsapwera dahil sa kontrata na pinanghahawakan niya.

Ang hindi alam ng aktor, desidido ang movie produ na palitan siya dahil mas bagay ang role sa isang award-winning actor.

Alisin man siya sa pelikula, may habol ang aktor dahil sa kontrata na hawak niya. Nakasaad sa contract na matuloy man o hindi ang project, may talent fee na matatanggap ang aktor kaya winner pa rin siya.  

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DAHIL

DAVAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with