^

Pang Movies

Elmo maghuhubad na rin!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakwentuhan namin si Elmo Magalona na bida ngayon sa indie film na #Y (Hashtag Y) kung saan ina­ming handa na siya para maging daring. Sa said movie ay nag-topless ito at sumabak sa passionate kissing scenes.

“Okey na ako sa mature role dahil 20 years old na ako.”

Kung noon ay ayaw niyang humiwalay sa poder ng kanyang ina, ngayon ay nagsosolo na siya sa condo na pag-aari rin ng kanyang ina.

Ayaw niyang aminin na steady na sila ni Janine Gutierrez kundi nasa stage pa rin ng exclusively dating. Nahawa na raw siya sa pagiging positive thinker ng aktres at ayon dito ay talagang napakabait ni Janine at walang masamang tinapay sa kanya.

Love Hotline maraming naka-relate

Maraming naka-relate sa kuwento sa Love Hotline tungkol sa isang relasyong nasira dahil sa pambababae at pisikal na sakitan na napanood kahapon.

Guests ang mga Kapuso stars na sina Shelley Hipolito, Gab de Leon, at Lucho Ayala na halaw sa totoong kwento ng pag-ibig ni Jennifer Morales, isang batang ina na hindi nakatiis sa pananakit ng karelasyon at ama ng kanyang anak na si Meldwin Vallesta.

Mahusay na nabigyang payo nina Jean Garcia at TJ Agulto ang may problema at tiyak na malaki ang naitulong nito sa mga taong may ganito ring dinadala.

Coleen hawig ni Marian

Malaki ang pagkakahawig ng GMA Artist Center na si Coleen Borgonia kay Marian Rivera. Siya ang katambal ni Ken Chan sa indie movie na 1st ko si 3rd na tatampukan nina Nova Villa at Freddie Webb. Gagampanan nito ang batang Nova. Maaasahan naman sa pag-arte ang baguhang aktres dahil nakalabas na siya sa entablado (PETA) at marami nang nagawang komersyal.

vuukle comment

ARTIST CENTER

COLEEN BORGONIA

ELMO MAGALONA

FREDDIE WEBB

HASHTAG Y

JANINE GUTIERREZ

JEAN GARCIA

JENNIFER MORALES

LOVE HOTLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with