^

Pang Movies

Mga Pinoy naghari na naman sa WCOPA

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naparangalan ulit ang Pinoy talent nang maka-grandslam win ang ‘Pinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) noong nakaraang July 18 sa Los Angeles, California, USA.

Naiuwi ng Team Philippines ang dalawang top awards sa WCOPA:  Una ay ang Junior Grand Champion na nakuha ng 11-year old na si Lloyd Montebon of Davao at pangalawa ay ang Senior Grand Champion na napagwagian ng The Xtreme Dancers duo na sina Raymark Alminasa (22) at Eddie Melody (23) from Koronadal, South Cotabato.

Si Lloyd Montebon ay isang junior male vocalist na kinamanghaan ng audience dahil sa heart-stopping rendition niya ng The Impossible Dream ni Frank Sinatra.

Pinakahuli namang nag-perform ang The Xtreme Dancers sa senior division at nayanig ang venue sa kanilang energetic and mind-blowing dance routine na gamit pa nila bilang props ay isang bedazzled mop.

Nagpapasalamat nga si Montebon sa WCOPA Philippines’ National Director na si Gerry Mercado dahil sa suporta na ibinigay nito sa kanilang team, lalo na sa kanya dahil tinulungan siya nitong makarating sa contest in Los Angeles.

Ayon naman kay Mercado, muntik na nga raw hindi makarating ng LA si Montebon dahil hindi nito ma-afford ang plane ticket. Pero nagtulung-tulong daw ang lahat para ma-extend ang financial assistance kay Montebon para makarating ito sa contest in L.A.

Nakilala na nga ang Pilipinas sa WCOPA dahil sa mahuhusay na mga vocalists na pinadadala natin doon.

Si Jed Madela nga ang first ever Filipino winner ng Senior Grand Champion Performer of the World title noong 2005. Since then ay pitong Pinoy na ang nagwawagi bilang Grand Champion Performers of the World. Kabilang na rito sina Aria Clemente (2007), Catherine Loria (2008), Rhap Salazar (2009), Rose Marielle Mamaclay (2010), Joshua Pineda (2011), Ianna Aldeza dela Torre (2013) at Beverly Caimen (2013).

Sa taong ito, malaking achievement for the Team Philippines ang mauwi ang parangal as Senior Grand Champion sa dance category na napanalunan nga ng The Xtreme Dancers.

Female TV host nagmumumura at nagtatatalak sa staff kahit may live audience

Na-turn off nga raw ang live audience sa inasal ng female TV host na ito sa kanilang set. Kung ano raw hindi magandang mga salita ang lumabas sa bibig nito na ikinagulat, hindi lang ng audience, kundi pati na ng mga kasama niya sa show.

Nagsimula raw ang pagtataray ng female TV host sa set nang hindi nito mabasa nang tama ang mga spiels na binigay sa kanya ng writer.

Dahil nga sa live ang show, kailangan ay handa ang mga host sa paiba-ibang nagaganap sa kanilang mga spiels. In the case ng female TV host, madali raw itong mataranta kapag paiba-iba ang pinababasa sa kanya, kaya ang ending ay mali-mali ang mga nasasabi niya.

Ayon sa aming source ay noong mag-cue in for commercial ang show, doon daw nagtatalak ang female TV host at sinisi ang writers ng show dahil pinagmumukha raw siyang tanga.

Saksi tuloy ang live audience sa pagtataray na iyon ng female TV host. Inakala pa naman daw nila na nagbago na ito at hindi naman daw kasalanan ng writer kung hindi niya mabasa nang maayos ang mga pinapabasa sa kanya.

Dagdag pa ng aming source ay pinatawag daw ng mga executives ng show ang female TV host at pati na ang staff ng show para alamin kung saan nagsimula ang problema. At kung bakit kailangan gano’n ang maging asal ng female TV host dahil nakakahiya raw para sa live audience nila.

Hindi pa alam ng source namin kung ano ang naganap sa meeting. Kung bibigyan ba ng memo ang female TV host o hindi na lang siya palalabasin kapag live ang show.

vuukle comment

DAHIL

FEMALE

HOST

LOS ANGELES

MONTEBON

SENIOR GRAND CHAMPION

XTREME DANCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with