^

Pang Movies

Kuya Germs inalok si Aljur na magtulay para sa GMA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lumabas na ngayong gusto diumano ni Kuya Germs na maging mediator sa pagitan ng GMA 7 at ni Aljur Abrenica kung sakali’t mapagkakasundo pa ang dalawang kampo. Naging malapit din naman kay Kuya Germs si Aljur, na kahit hindi nagsimula sa kanyang show, itinuturing pa rin niyang parang anak-anakan ang aktor.

Sinasabing nag-usap daw ang dalawa matapos ang Sunday noontime show, na pinagtatakhan ng marami na sinipot pa rin ni Aljur kahit na nakapagsampa na siya ng demanda laban sa GMA at sinabi na niyang hindi niya gusto ang handling ng network sa kanyang career.

Sinabi ni Kuya Germs na inalok nga niya si Aljur na maaari siyang mamagitan kung sakali. Pinayuhan daw niya iyon na huwag pabigla-bigla at ipinaalala roon na nagsimula siya at naabot kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon dahil sa GMA 7. Pinayuhan din daw niya si Aljur na gumawa ng sarili niyang desisyon at hindi iyong nagpapadala sa sulsol ng kung sinu-sino.

Parang ganyan din naman ang sinabi ng komedyanteng si AiAi delas Alas. Bagama’t hindi sila magkasama sa network, sinabi ng komedyante na mabigat ang ginawang akusasyon ni Aljur, at makabubuting kumuha siya ng isang mas mahusay na consultant sa mga bagay na kanyang ginagawa. Parang sinabi ni AiAi na tagilid talaga ang ginawa ni Aljur at ill advised nga siya. Sino nga ba ang nagsulsol kay Aljur?

May iba pang nagsasabing mukha nga lang nasulsulan daw si Aljur ng ibang tao, bagama’t siguro nga ay may problema na siya sa kanyang network. May nagsasabi pang iyon ay dahil medyo naapektuhan siya at mukhang mas napapansin ngayon sa network maging ng fans ang baguhang si Alden Richards.

Pero parang nagkakaisa ang mga tao, mukha ngang may nagsulsol lang kay Aljur na lumayas sa GMA at lumipat ng network.

Problema ng asawa ni Derek magulo

Kung may problema man si Derek Ramsay sa kanyang asawa’t anak, personal na problema na niya iyon at hindi naman dapat na maapektuhan ang kanyang career. Iyan din ay isang demandang pribado, at bagama’t masasabi ngang isang public record ang anumang dokumento kaugnay ng demandang iyan, nananatili ang karapatan ni Derek sa privacy, dahil wala ngang kinalaman iyon sa kanyang pagiging isang artista. Ibig sabihin, kung may comments man, hindi dapat gawin sa publiko. Straight reporting lang dapat. At ano nga ba ang bago sa mga ganoong kaso?

Hindi rin maliwanag sa amin ang kaso, dahil sinabi ng plaintiff na may divorce sila. Hindi naman maliwanag kung natuloy nga ang kanilang divorce, pero lumalabas na ang pagsasama nila ay tumagal lamang ng ilang buwan, at naghiwalay na rin.

Pribadong kaso iyan, hindi na dapat pakialaman iyan ng mga tao.

Pelikulang pinupuri sa maliliit lang na festival ipinalabas sa abroad

Ano man ang sabihin ng reviewers at mga taong nagsipunta sa presscon ng isang pelikula ay bale wala rin. Kailangang hintayin kung ang pelikula ay kikita ba. Doon mo lang malalaman kung ang pelikula ay nagustuhan ng mga tao, o nagustuhan ng pitong tao lamang. Basta ang pelikula ay nailabas sa commercial theaters, malalaman natin kung kumita nga iyan, pero kung ang batayan ay ang ilang screenings lamang sa mga festival na maliliit sa abroad, ano nga ba ang batayan mo ng kita?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

DEREK

DEREK RAMSAY

KUNG

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with